Darryl Yap inupakan dahil sa mahjong scene ni Cory at mga madre sa Maid in Malacañang

Nakatanggap na naman ng katakot-takot na bashing ang direktor at writer na si Darryl Yap dahil sa eksena sa Maid in Malacanang kung saan nakikipaglaro ng mahjong si “Cory” kasama ang mga madre pagkatapos ng pakikipag-usap nito sa telepono.

Isa na namang kontrobersyal na eksena sa pelikula ang nabunyag at ipinakita sa pelikula kung saan mistulang karakter ni dating Pangulong Corazon Aquino. Habang sa wakas ay nabunyag na rin ang aktres na gaganap sa karakter na “Cory” – ang komedyanteng si Giselle Sanchez.

Kalahati lang kasi ng mukha ng aktres ang ipinakita sa mga naunang teaser kaya nahirapang mahulaan ng mga netizens kung sino ang gumanap sa kontrobersyal na karakter sa pelikula tungkol sa mga Marcos.

Credit: Manila Bulletin

Kamakailan lamang ay lumabas ang ilang larawan sa social media na nagpapakitang si Giselle nga iyon. Sa larawan ay may kausap si “Cory” sa telepono at sinabi niyang, “Is he dying? Get them out of the Philippines” at pagkatapos ay muling bumalik sa paglalaro ng mahjong.

Dahil dito ay muling nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Direk Darryl.

Hindi ito nagustuhan ng mga kritiko ng mga Marcos na tagasuporta rin ng mga Aquino. Binatikos ng Twitter user na si @IanMakabayan ang partikular na eksenang iyon.

Ayon sa netizen, “Cory was in Cebu seeking refuge at a Carmelite monastery days before Feb 25. The call from Bosworth to grant exile for Marcos happened days later.” Sinabi rin ng netizen na bukod sa pagbaluktot ng pangyayari ay isa rin itong insulto sa mga Carmelite sisters.

May mga tumawag din kay Direk Darryl na “dalubhasa sa pagbabaluktot ng kasaysayan” habang ang ilan ay tinawag siyang “tanga.” Ang ibang netizens ay nagpahayag rin na ang “kasinungalingan” na nakapaloob sa pelikula ay nakakasuka para sa kanila.

Ilang netizens din ang nagbahagi ng petisyon para ideklarang persona non grata si Direk Darryl sa Bicol. Una nang idineklara ang direktor na persona non grata ng Quezon City council dahil sa umano’y hindi nito paggalang sa opisyal na selyo ng lungsod.

Sa kabilang banda ay may mga nagtanggol naman sa direktor. Isang netizen ang nagpakita ng isang kopya ng ulat na nagsasaad na pinayuhan ni dating Pangulong Cory si Ambassador Bosworth na palabasin na ng Pilipinas si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

Related article:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.