Giselle Sanchez nagpaliwanag kung bakit tinanggap ang papel ni “Cory” sa Maid in Malacañang

Ang aktres na si Giselle Sanchez na nga ang gumanap bilang “Cory” sa pelikulang Maid in Malacañang.

Dalawang dahilan ang binanggit ng komedyante at host kung bakit niya tinanggap ang alok na gampanan ang karakter ni “Cory” sa kontrobersyal na pelikulang Maid in Malacañang.

Bago pa man opisyal na ipalabas ang nasabing pelikula tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa Palasyo ay marami na ang mga bumatikos rito. Mula sa tema ng pelikula hanggang sa direktor, sa cast, production team, halos lahat yata nang may kinalaman sa pelikula ay nakatanggap ng mga negatibong reaksyon sa mga netizens.

Sa isang kamakailang artikulo ni Giselle sa kanyang Manila Bulletin column na Gossip Girl, ibinahagi niya kung ano ang nagtulak sa kanya na maging bahagi ng kontrobersyal na pelikula at gampanan ang isang kontrobersyal na karakter. Ngunit ayon sa komedyante, for legal purposes ay ire-refer na lang niya ang kanyang role bilang “her character.”

Una sa dahilan kung bakit siya umoo sa pelikula ay dahil fan siya ng writer at kontrobersyal na direktor ng pelikula na si Darryl Yap.

Ayon kay Giselle, “First and foremost, the question that people will raise is why did I accept “her character.” I have always wanted to do a project with Direk Darryl Yap as I am a big fan of his works as a writer and director starting from Jowable to Gluta to Revirginized that starred my idol Sharon Cuneta. I must say, Direk Darryl Yap is indeed the most brilliant director of his time. Yap told me, ‘We want an intelligent and educated lady to play her role’. And that was the selling piece – Direk Darryl Yap plus the requirements to play “her character.”

Credit: Manila Bulletin

May scene sa pelikula nang sinabi ng character ni Giselle na, “Get them out of the Philippines” at ito ay isang bagay na bago diumano sa kanya. Bilang artista, pinag-isipan din ni Giselle kung worth it ba ang role na ito.

Bago siya pormal na umoo sa role ay tinanong niya si Senator Imee Marcos sa pamamagitan ng text message kung totoo bang nangyari ang partikular na senaryo. Sagot ng kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., “‘Yun daw ang sabi ng mga Kano.”

Sa pamamagitan nito, sinabi ni Giselle na napagtanto niya na ang lahat ng nabasa niya sa mga libro ng kasaysayan at print media, gayundin ang kanyang napanood at pinakinggan sa mainstream media noong dekada 80 at 90 ay “ang side ng kabilang kampo ng kuwento dahil sila ang mga nakaupo sa administrasyon.”

“With what Senator Imee told me, I began to realize, all this time, what I have been reading in historical books and print media and watching and listening on television and radio during the eighties and nineties was the other camp’s side of the story because they were the ones’ sitting in the administration,” dagdag pa ni Giselle.

Credit: Manila Bulletin

Nakiusap din ang komedyante na pakinggan rin ang panig ng mga Marcos bago pa man natin sila husgahan.

Ayon sa kanya, “Now that the coin has flipped, let’s give a chance for the Marcoses to tell their side of the story, the way they know it. Isn’t it just fair for us to look at both sides of the coin before we cast our judgments?

Narito ang buong post ni Giselle:

Share this article
Erie Swan