Pagbuhay sa kaso ni Vhong Navarro trending online; netizens nag-react

Iniutos ng Court of Appeals (CA) ang pagsasampa ng mga kaso laban sa TV host at komedyanteng si Vhong Navarro.

Noong 2014 ay nagsampa ang model at stylist na si Deniece Cornejo ng mga sexual charges laban sa It’s Showtime host. Ito rin ang pagkakataong nasangkot si Vhong sa gitna ng isang insidente na nagdulot ng matinding pinsala sa kanya.

Ang mga kasong isinampa ay binasura ng Department of Justice (DOJ) noong 2018 at 2020 ngunit tila hindi pa ito tuluyang matutuldukan. Inutusan kasi ng CA 14th Division ang DOJ na magsampa ng kaparehong mga kaso na isinampa laban sa aktor noong 2014 na may kaugnayan sa insidenteng kinasangkutan ni Deniece.

Binaligtad ng utos ang desisyon ng DOJ at sinabi ng CA na mali ang ginawa ng DOJ na tanggihan ang petisyon ni Deniece na repasuhin ang mga batayan ng hindi pagkakatugma ng kanyang pahayag. Kung matatandaan ay ibinasura ng DOJ ang mga kaso laban sa aktor dahil sa kakulangan ng “probable cause” at “major inconsistencies.”

Sa muling paglabas ng kontrobersyal na paksang ito ay maraming mga netizens ang hindi napigilang ipahayag ang kanilang opinyon.

Binatikos ng iba si Vhong habang ang iba naman ay naniniwala na hindi ito ginawa ng TV host maliban sa bahaging nagtaksil siya sa kanyang kinakasama noong mga panahong iyon na ngayon ay asawa na niya.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.