Nakatakdang magbalik ang legendary Pinoy comics superheroine na si Darna at ang bagong aktres na gaganap sa iconic role na ito ay si Jane De Leon.
At kapag sinabi nating Darna, ang laging nasa isip natin ay si Valentina at ang kanyang ulo na puno nang mga makamandag na ahas. Isa si Valentina sa itinuturing na pinaka-iconic na kontrabida sa lahat. At ang gaganap sa makamandag na kontrabidang ito ay ang magaling na Kapamilya actress na si Janella Salvador.

Ang mga alamat ng komiks na sina Nestor Redondo at Mars Ravelo ang lumikha ng mga karakter na ito. At ang kauna-unahang aktres na gumanap bilang Darna sa isang pelikula ay si Cristina Aragon noong taong 1951. Ilan pa sa mga gumanap sa iconic Pinay superheroine ay sina Angel Locsin, Marian Rivera, Anjanette Abayari, Nanette Medved, at Sharon Cuneta.
Bago si Janella ay meron namang mga aktres na gumanap din sa iconic role na Valentina kagaya nina Celia Rodriguez (1973), Melissa Rubio (1989), Pilar Pilapil (1991), Pilita Corales (1994), Alessandra de Rossi (2005), at Iwa Moto (2009).

Sa kamakailang post ni Janella sa kanyang social media ay binigyan niya ang kanyang mga tagahanga ng konting silip kung ano ang magiging hitsura niya sa inaabangang role.
Ayon sa kanyang caption: “The countdown begins.”
Kasama rin sa cast sina Iza Calzado, Zaijian Jaranilla, at Joshua Garcia. Nakatakdang lumipad si Darna sa Agosto 15. Mapapanood ang bagong fantaserye sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, JeepneyTV, A2Z, at TV5.
You may also like: