Paring Katoliko nanawagan na i-boycott ang Maid in Malacañang

Napansin ng isang obispo ang pelikulang Maid in Malacañang at nanawagan na i-boycott ito ng mga tao.

Ang kontrobersyal na direktor at manunulat na si Darryl Yap ang sumulat at nagdirek ng pelikulang, isang pelikula na ayon dito ay ginawa upang ipakita ang panig ng mga Marcos sa huling tatlong araw nila sa Malacañang.

Ayon sa ilang netizens ay binaluktot diumano ng pelikulang ito ang ilang impormasyon sa kasaysayan.

At sa mga pinakapinag-uusapang eksena, ang pinaka-viral ay ang eksena ng yumaong dating pangulong Corazon Aquino, isang karakter na ginampanan ng komedyante at host na si Giselle Sanchez. Ang eksena, noong Pebrero 1986 nang ang mga Marcos ay malapit nang umalis ng bansa, ay ipinakita si Cory na naglalaro ng mahjong kasama ang mga madre.

Credit: Vincentiments/Facebook

Sa isang nakaraang artikulo ay binatikos ng Sisters of the Carmelites Monastery of Cebu ang eksena at naglabas ng pahayag. Ayon kay Sister Mary Melanie Costillas ang Prioress ng Carmelite Monastery in Order of Discalced Carmelites of the Blessed Virgin Mary of Mount Carmel, ang eksenang nagma-mahjong si Cory at mga madre ay hindi lamang malisyoso kundi pagtatangka na baluktutin ang kasaysayan at nakakahiya.

Ayon din sa pahayag: “The truth was that we were then praying, fasting and making other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail.”

Natakot din daw sila na baka malaman ng mga militar ang kinaroroonan ni Cory.

Credit: Inquirer

At kasunod ng lahat ng mga kontrobersyang ito ay isang pari mula sa relihiyosong grupo ng bansa ay nagsalita din laban sa pelikula. Tinawag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang pelikula na “walanghiya” at sinabihan ang mga tao na i-boycott ito. Idinagdag pa ng obispo na dapat ding humingi ng tawad ang mga nasa likod nito.

“The producer, scriptwriter, director, and those promoting this movie should publicly apologize to the Carmelite nuns, to President Cory Aquino’s family, and to the Filipino people,” sabi ni Alminaza sa ulat batay sa CBCP News.

Credit: SunStar Cebu

Hinamon niya ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na kumilos dito nang responsable. Ang kanyang panawagan ay nag-ugat sa parehong partikular na eksena na yumanig sa mga Carmelite sisters.

Ayon sa pahayag ng mga madre, sumilong sa monasteryo si dating Pangulong Cory. Pinayagan nila diumano ito dahil nakikita nila ito bilang isang kontribusyon para wakasan ang rehimeng diktadurya.

Related articles:

Share this article
Erie Swan