Ex-wife ni Vhong Navarro nag-react sa pagbuhay ng kanyang legal issues

Nakahanap ng kakampi ang komedyante at host na si Vhong Navarro sa katauhan ni Bianca Lapus, ang kanyang dating asawa sa gitna ng pagbuhay ng kanyang mga legal issues.

May napipintong legal battle ang TV host matapos ipag-utos ng Court of Appeals (CA) sa Department of Justice (DOJ) na magsampa ng kaso laban sa kanya tungkol sa dating kontrobersyal na nangyari sa kanila ng model at stylist na si Deniece Cornejo.

Sa isang nakaraang artikulo ay sinabi ng CA na mali ang ginawa ng DOJ na tanggihan ang petisyon ni Deniece na repasuhin ang mga batayan ng hindi pagkakatugma ng kanyang pahayag.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Sa isang 26 na pahinang desisyon ay niutos ng Court of Appeals 14th Division na isampa laban sa aktor ang mga kasong rape at acts of lasciviousness.

Hindi pa naman pormal na natatanggap ng kampo ng aktor ang desisyon pero kapag nakuha na nila ay maghahain na diumano sila ng motion for reconsideration kaugnay sa ng utos ng CA. Sinabi ng abogado ni Vhong na gagamitin niya ang lahat ng iba pang mga karapatan at remedyo na magagamit niya sa ilalim ng batas.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Sa muling paglabas ng kontrobersyal na paksang ito ay maraming mga netizens ang hindi napigilang ipahayag ang kanilang opinyon. Binatikos ng iba si Vhong habang ang iba naman ay naniniwala na hindi ito ginawa ng TV host maliban sa bahaging nagtaksil siya sa kanyang kinakasama noong mga panahong iyon na ngayon ay asawa na niya.

At sa gitna ng lahat nang ito ay nakahanap ng kakampi ang aktor kay Bianca Lapus, ang dati niyang asawa.

Ayon sa post ni Bianca: “Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man. Otherwise it won’t be easy for me to become friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan.”

May idinagdag din siyang quote card na ang sabi ay, “When you destroy someone’s life with lies, take it as a loan, it will come back to you with interest.”

Ikinasal si Vhong kay Bianca noong Enero 20, 1998. Ngunit naghiwalay din sila at tuluyang na-anull ang kanilang kasal noong 2005. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay napanatili nila ang magandang relasyon habang nagko-co-parenting para sa kanilang mga anak.

Related article:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *