Rowena Guanzon ipinagmalaki na sold out ang ticket ng ‘Katips’

Ibinahagi ni Congresswoman Rowena Guanzon sa kanyang Twitter account na sold out na ang ticket ng Katips sa isang mall sa Taguig City.

Ang nasabing pelikula ay idinirek ni Vince Tañada na nauna nang sinabi sa isang panayam na sinadya niyang ipalabas sa parehong petsa sa pelikulang Maid in Malacañang ni Darryl Yap. Sabi ni Direk Vince na isa itong paraan para kontrahin ang pelikula ni Direk Darryl na tungkol sa panig ng mga Marcos. Ang direktor ng Katips ay isang anti-Marcos.

Bukod kay Direk Vince ay binatikos din ng mga batikang direktor na sina Floy Quintos at Joel Lamangan ang pelikula. Nangako pa si Direk Joel na gagawa siya ng pelikula para labanan ang pelikula ni Direk Darryl habang binatikos naman ni Direk Floy si Giselle Sanchez, ang aktres na gumanap bilang Cory sa pelikula, sa pagsasabing isang art ang Maid in Malacañang.

Dahil alam ng marami na si Guanzon ay isang Marcos critic ay inasahan na ng karamihan na susuportahan niya ang pelikula ni Direk Vince. Sa isang Twitter post kamakailan na ibinahagi ng dating Commissioner ng COMELEC ay binahagi niya ang isang larawan kasama si Direk Vince.

Ayon sa kanyang tweet. “KATIPS is sold out in SM Aura. With FAMAS awardee Direk Vince Tanada.”

Sa isa pang tweet ni Guanzon ay sinabi nito na nagkakagulo ang mga kabataan para lang makapanood ng Katips.

Gayunpaman, ang post na ito ng mambabatas ay hindi pinaniwalaan ng maraming netizens. May mga humiling na magpakita ng ebidensya ang kongresista para mapatunayan ang kanyang sinasabi.

Nagbahagi naman ang isang netizen larawan na sumasalungat sa sinabi ni Guanzon. Ibinahagi pa ng isang supporter ng Maid in Malacanang ang isang larawan na nagpapakitang “sold out” ang pelikula ni Direk Darryl sa isang sinehan.

Kung ikaw ang tatanungin, alin sa dalawang pelikula ang papanoorin mo?

Related articles:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.