Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Namatay na ang beteranong character actress na si Cherie Gil ayon kay Annabelle Rama.

Sa isang post sa social media ay hiniling ni Annabelle sa kanyang followers na ipagdasal ang iconic actress. Namatay si Cherie noong Biyernes, Agosto 5.

Ayon sa post ni Annabelle sa Facebook: “CHERIE JUST PASSED AWAY AT 5PM TODAY PLEASE PRAY FOR HER.”

Credit: Annabelle Rama/Facebook

Walang maliwanag na dahilan kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng aktres ngunit ang naturang balita ay nakadurog sa maraming puso at nagdulot ng matinding kalungkutan sa showbiz industry.

Isa si Cherie sa mga pinakamahusay na artista sa industriya at lubos na minamahal para sa kanyang mga pagganap ng iba’t ibang mga roles na tumatak sa mga manonood.

Credit: Cherie Gil/Instagram

Kung maaalala, nitong taon lang ay pinaahit niya ang kanyang ulo at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian para manirahan sa New York at makasama ang kanyang pamilya.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.