Death scene ni John Estrada sa “Ang Probinsyano” pinag-usapan online

Pinag-usapan ng husto sa social media ang brutal na pagkamatay ng karakter ni John Estrada sa longest-running TV series na “Ang Probinsyano.”

Matapos ang pitong taon ng pagpapalabas ay nalalapit na nga ang finale ng teleserye kung saan tampok si Coco Martin bilang bida at siya rin ang direktor.

Ang kontrabidang karakter ni Armando Silang na ginampanan ni John ay nakatagpo na ng kanyang marahas na wakas matapos ang lahat ng hirap na kanyang idinulot sa buhay ng maraming karakter sa serye.

Credit: Kapamilya Online Live/Youtube

Kumalat sa social media ang mga larawan ng pagkamatay ng karakter ni John sa serye. Kasunod ng episode na iyon, naging trending topic ang kanyang pangalan sa Twitter. Namatay siya matapos na maiunat nang husto ang kanyang mga braso hanggang sa maghiwalay ang mga ito sa kanyang katawan.

Credit: John Estrada/Instagram

Iniisip ng ilang netizens na masyado itong nakakasindak para sa isang seryeng ipinapalabas sa primetime na pinapanood din ng mga bata. Sa kabilang banda, may mga nagsabi naman na kahit papaano ay repleksyon ito ng mga nangyari, nangyayari, o maaaring mangyari sa totoong buhay.

Marami ring netizens ang dumepensa sa nasabing eksena na tampok ang brutal na pagkamatay ng karakter ni John laban sa mga bumabatikos dito. Ikinatwiran ng mga netizen na ito na may mga Pinoy na nagbabahagi ng madugong nilalaman mula sa mga dayuhang serye o pelikula ngunit bakit nila inaatake ang partikular na eksenang ito.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens tungkol sa brutal na pagkamatay ni Armando Silang sa Ang Probinsyano:

Naging bahagi si John Estrada ng Ang Probinsyano noong 2021. Sa isang panayam ay sinabi niyang “dream come true” para sa kanya ang mapabilang sa cast ng isa sa pinaka-iconic at pinakasikat na serye sa bansa.

You may also like:

Share this article
Erie Swan