‘Katips’ Actor na si Jerome Ponce at nobya, nagandahan sa ‘Maid in Malacañang’

Napanood na ng aktor na si Jerome Ponce, isa sa mga cast ng pelikulang Katips, ang karibal nilang pelikula na Maid in Malacañang. Ito ang ibinahagi ng kontrobersyal na writer at direktor na si Darryl Yap sa kanyang Facebook page.

Ang pelikula ni Jerome, sa direksyon ni Vince Tañada, ay orihinal na ginawa bilang isang stage play noong 2016 na pinamagatang, Katips: Mga Bagong Katipunero. Ang karakter niyang si Greg ay isang medikal student na naging pinuno ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Umiikot ang kwento sa nangyari sa mga aktibista noong panahon ng Martial Law. Gayunpaman, sa isang press conference para sa pelikulang ito, batay sa artikulo sa PUSH ay sinabi ni Direk Vince na hindi nangangahulugang ang pelikula ay isang anti-BBM o isang anti-Marcos.

Sinabi rin ni Direk Vince na talagang sinadya niyang ipalabas ang pelikula sa mismong araw na ipapalabas din ang Maid in Malacañang. Parehong ipinalabas ang dalawang pelikula sa mga sinehan noong Agosto 3.

Ang pelikula ni Direk Darryl ay naglalayon na ipakita ang nangyari sa mga Marcos sa huling 72 oras nila sa Malacañang bago sila napilitang umalis.Binigyang-diin ni Direk Darryl sa kanyang mga panayam na walang history revisionism sa pelikulang ginawa niya hindi katulad ng akusasyon ng mga anti-Marcos.

Sa gitna ng kompetisyon sa pagitan ng dalawang pelikula ay ibinahagi ng kontrobersyal na direktor ang isang post mula sa Facebook user na si Christine Laparan Policarpio. Makikita sa larawan na nanood ng Maid in Malacañang sina Jerome Ponce at ang kanyang girlfriend na si Sachzna Laparan, na kasama rin sa Katips.

Ayon sa caption ni Direk Darryl, “Salamat sa panonood Sachzna Laparan at Jerome Ponce, parehas artista sa pelikulang katips.”

Credit: Darryl Yap/Facebook

Nagkomento si Sachzna sa post na ito na ibinahagi ng kontrobersyal na direktor.

“Ganda ng movie! Congrats!” tugon niya.

Credit: Darryl Yap/Facebook

Ang komentong ito ni Sachna ay mayroon nang mahigit sa 4.5K na reaksyon.

Samantala, naging positibo naman ang naging reaksyon sa naging komento na ito ni Sachzna. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Credit: Darryl Yap/Facebook

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *