Sharon Cuneta nag-iwan ng mensahe para sa namayapang kaibigan na si Cherie Gil

Nag-post sa social media ng isang taos-pusong mensahe si Sharon Cuneta para sa kanyang matalik na kaibigan na si Cherie Gil na kamakailan lang ay namatay sa edad na 59.

Nagulat ang lahat sa balitang ito at marami sa mga netizens ang nadurog ang puso dahil sa pagkamatay ng isa sa pinakamahusay na aktres na hinangaan sa kanyang mga pagganap sa telebisyon man o sa pelikula.

Credit: Sharon Cuneta/Instagram

Palagi niyang ginagampanan ang papel na “kontrabida” sa karamihan ng mga proyektong ginawa niya. Isa sa pinakasikat niyang karakter ay nang gumanap siya bilang si Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning” kung saan nakatrabaho niya ang Megastar.

Credit: Sharon Cuneta/Instagram

Ngayong araw, Agosto 6 ay nag-post si Sharon ng taos-pusong mensahe para sa kanyang itinuturing na “true screen partner” kasunod ng kanyang pagpanaw. Ibinunyag naman ng Megastar na nabisita niya ang kanyang matalik na kaibigan ilang oras bago ito bawian ng buhay.

Credit: Sharon Cuneta/Instagram

Narito ang buong post ni Sharon:

Nakiramay naman ang ilan sa mga celebrity friends ng Megastar katulad nina Ogie Alcasid, Angeline Quinto, at maging ang news reporter na si Christine Bersola Babao.

Related article:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.