Michael De Mesa, labis na nasaktan sa pagpanaw ng kapatid na si Cherie Gil

Pumanaw ang isa sa pinakamahusay na aktres sa industriya ng showbiz na si Cherie Gil na ikinagulat ng maraming netizens dahil inilihim niya ang kanyang kalagayan.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nabubunyag ang totoong dahilan ng pagkamatay ng Primera Kontrabida. Kabilang si Annabelle Rama sa mga unang personalidad na naghatid ng balita na namatay na ang beteranang aktres. At ang mga haka-haka sa social media ay nagsasabi na siya ay namatay dahil sa cancer.

Credit: Cherie Gil/Instagram

Kung maaalala, sa mga unang buwan ng taong ito ay ibinenta ni Cherie ang lahat ng kanyang mga ari-arian dito sa Pilipinas at iniwan ang showbiz.

Nagpasya siyang tuluyan nang manirahan sa New York upang makasama ang kanyang mga anak na naka-base doon. Ngunit ang ikinagulat ng mga netizens ay noong inahit niya ang kanyang ulo bago siya umalis at sinabing “rebirth” ito para sa kanya.

Credit Cherie Gil/Instagram

Dahil dito ay nagkaroon ng kutob ang karamihan na ang dahilan kung bakit nagpasya siyang magpakalbo ay dahil sa isang kondisyon. Umalis siya ng bansa na inilihim ang kanyang kalagayan. Hindi siya nagsalita tungkol dito at itinago niya ito nang buong lihim.

Samantala, ang kanyang kapatid na si Michael De Mesa, nang marinig ang balita habang kinukunan ang ilang eksena sa “Ang Probinsyano,” ay hindi napigilan ang sarili na umiyak. Ibinahagi ng mga tao nakakita sa set ng serye na umiiyak ang aktor sa loob ng kanyang sasakyan.

Credit: Facebook

Ayon sa report ng PEP, “Ayon sa mga eyewitness account, iyak nang iyak si Michael sa loob ng sasakyan dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal at nag-iisang kapatid na babae.”

Magkapatid sina Cherie, Michael, at yumaong aktor na si Mark Gil. Namatay si Cherie dahil diumano sa cancer habang si Mark naman ay namatay dahil sa cancer sa atay noong 2014.

Related articles:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.