Tunay na dahilan ng pagkamatay ni Cherie Gil ibinunyag na ng kanyang pamilya

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamilya ng yumaong aktres na si Cherie Gil tungkol sa kanyang pagkamatay.

Si Cherie ay anak ng ng mga artistang sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Kabilang siya sa second-generation ng mga magagaling na Gil actors, kasama ang kanyang mga kapatid na sina Mark Gil at Michael de Mesa. Namatay si Mark dahil sa cancer sa atay noong 2014.

Ang primera kontrabida din ay tiyahin ng ilang Eigenmann actors, kabilang sina Geoff, Max, Ryan, Gabby, at Andi. Namatay si Cherie dahil sa cancer sa reproductive system, sa New York City, nitong Biyernes, Agosto 5, 2022.

Credit: Cherie Gil/Instagram

Ang balita ng pagpanaw ni Cherie ay inihayag ng talent manager at kanyang kaibigan na si Annabelle Rama. Kinumpirma naman ito ng sarili niyang pamangkin na si Sid Lucero. Siya ay namatay sa edad na 59.

Sa sunud-sunod na post sa IG noong Sabado ay nagbahagi si Andi Eigenmann ng mga larawan ng kanyang tiyahin. Ayon kay Andi, si Cherie ang naging inspirasyon niya para magpakatotoo sa sarili.

Credit: Andi Eigenmann/Instagram
Credit: Andi Eigenmann/Instagram

Sa kanyang Instagram Stories ngayong araw, Agosto 7, ipinost ni Andi ang opisyal na pahayag ng kanilang pamilya tungkol sa pagpanaw ni Cherie. Base sa pahayag, na-diagnose talaga ang aktres na may rare form of endometrial cancer.

Ayon sa bahagi ng pahayag: “Cherie was diagnosed with a rare form of endometrial cancer in October of last year after deciding to relocate to New York City to be closer to her children. She then underwent treatment at the Memorial Sloan-Kettering Cancer Center of New York.”

Binanggit din ng pamilya ang naunang kahilingan ni Cherie na panatilihing lihim ang kanyang diagnosis, at sinuportahan naman nila ang kanyang desisyon. Sinabi ng pamilya na ginugol ng aktres ang kanyang mga huling araw na napapaligiran ng pamilya at mga mahal sa buhay.

“It was her request that her diagnosis be kept private, and as a family we supported her in this decision. Cherie fought bravely against her illness, with grace and strength.”

Basahin ang buong pahayag ng pamilya ni Cherie Gil:

Credit: Andi Eigenmann/Instragram

Sa kasalukuyan ay hindi pa binabanggit ng pamilya kung saan at kailan ibuburol ang mga labi ng premyadong aktres.

Related articles:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *