Papayagan na ng Miss Universe Organization (MUO) na makipagkumpetensya ang mga may-asawa at mga may anak simula sa susunod na taon (Miss Universe 2023).
Ang Miss Universe ay isang taunang international beauty pageant. Isa ito sa dalawang pinakakilala na beauty pageant sa buong mundo, kabilang na ang Miss World (MW).

Ang mga kababaihan mula sa buong mundo ay nakikipagkumpitensya sa Miss Universe upang kumatawan sa kanilang mga bansang pinagmulan. Ito ay isa sa pinaka-inaabangan ng mga pageant fanatics sa buong mundo.
Mula nang itatag ito noong 1952 ng Pacific Mills, ito ay naging pag-aari na ng maraming negosyo. Isa na nga diyan ang dating US President na si Donald Trump nang binili niya ito noong 1996.

Ang Miss Universe ay isang pageant na nagbubuklod sa mga kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo na may layuning ipagdiwang ang mga kababaihan. Isa itong prestihiyosong pageant na mayaman sa kasaysayan.
Binibigyan nito ang mga kababaihan mula sa buong mundo ng pagkakataon na makamit ang kanilang mga layunin sa pamamagitan ng mga karanasan na nagbibigay sa kanila ng tiwala sa sarili na lumikha ng mga pagkakataon para magtagumpay.

Hinahayaan din nitong itaguyod ng mga kababaihan ang kanilang sariling adbokasiya para makatulong sa kani-kanilang mga komunidad.
Ayon sa mga ulat ay ipinaalam na ng MUO sa mga pambansang direktor sa buong mundo sa pamamagitan ng email na simula sa susunod na taon (2023), ang mga ina at may mga asawa ay pinapayagan na ngayong sumali para makuha ang inaasam-asam na korona.

Ang email na sinasabing inilabas ng MUO CEO to the National Directors na si Amy Emmerich ay ibinahagi sa Facebook ng Missosology at Instagram page na MISSUUPDATES.
Ayon sa bahagi ng mensahe, “As you know, the Miss Universe Organization has always strived to evolve with the changing times to best represent and support women globally.”

“As part of the next step in our evolution, we have implemented the following changes: Effective with the 72nd Miss Universe competition and national preliminary competitions leading up to it, women who are or have been married, as well as women who are pregnant or have children, will be able to compete.”

Idinagdag sa pahayag ng MUO na ang kanilang desisyon ay batay sa mga survey na kanilang isinagawa noong unang bahagi ng taong ito. Ang kanilang kamakailang datos ay nagpakita na ang average na edad ng pagpapakasal para sa mga kababaihan at ang unang pagbubuntis sa buong mundo ay nagsisimula sa edad na 21.
Dagdag pa ng mensahe, “Despite the difference in our cultures and beliefs, this allows all women to put their fate in their own hands and we will accommodate whoever is Miss Universe accordingly. We look forward to continue welcoming even more aspirational women to our community as a result of these latest changes. We wanted to share this with you now, as you begin preparations for your local pageants for 2023.”
Basahin ang buong pahayag ng MUO:

Kung maaalala ay naging tanong ang paksang pagbubuntis ng isang Miss Universe titleholder sa Miss Universe 1999. Ayon sa final question, “If Miss Universe would become pregnant during her reign, could she be allowed to continue as Miss Universe?”
Ayon naman sa winning answer ng itinanghal na winner mula sa Botswana na si Mpule Kwelagobe Ghandi: “Personally, I think Miss Universe is a symbol of a woman as well, she is celebrating her femininity. And I believe that, if she should fall pregnant, it would not in any way interrupt her duties. But as a woman, she should celebrate her femininity.”

You may also like: