Regine Velasquez ipinakilala na bilang official host ng Magandang Buhay

Ang Asia’s Songbird na nga na si Regine Velasquez ang opisyal na bagong host ng Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay.

Ilang talk show na rin ang nagawa ni Asia’s Songbird dati. Noong nasa Kapuso network pa siya ay mayroon siyang sariling talk show na Sarap Diva. Ngayon, bahagi na siya ng isa pang talk show at ito ay nasa Kapamilya network.

Credit: Magandang Buhay/Instagram

Nang magpaalam si Karla Estrada sa show para sa kanyang career sa pulitika, si Regine ang pumalit sa kanya. Dahil sa Iconic concert series ng Asia’s Songbird kasama si Megastar Sharon Cuneta sa Amerika ay kinailangan din niyang magpaalam sa show.

Credit: Magandang Buhay/Instagram

Pagkatapos ay dumating bilang kapalit ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos-Agoncillo hanggang sa nakumpirmang hindi na babalik sa show si Karla. Ginawa naman ng Queen Mother ang kanyang farewell episode. Kaya naman na-excite ang mga netizens kung sino ang permanenteng makakasama ng iba pang host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Nabunyag noong Lunes, Agosto 8, na naging official Momshie host na si Regine. Pormal siyang ipinakilala sa show at nakatanggap ito ng positibong feedback mula sa mga netizens at avid viewers ng Kapamilya morning talk show.

Inihayag ang bagong regular host kasabay ng pagdiriwang sa ika-6 na anibersaryo ng Magandang Buhay. Ang trio nina Jolina, Regine, at Melai ay tinaguriang JOREME, na likha mula sa pelikula ng singer na DoReMi kasama sina Mikee Cojuangco at Donna Cruz.

You may also like:

Share this article
Erie Swan