Darryl Yap hinamon si Vince Tañada na ibunyag ang tunay na kinita ng Katips

Hinamon ng kontrobersyal na direktor ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap ang direktor ng Katips na si Vince Tañada na ipakita ang tunay na bilang ng kinita ng kanyang pelikula.

Parehong sinasabi ng Maid in Malacañang at Katips na sila ang nangunguna sa bentahan ng ticket. Ang mga tagahanga ng pelikula tungkol sa mga Marcos ay nagpakita ng mga larawan at video na maraming tao ang nakapila sa mga sinehan at sold out ang mga ticket. Ito rin ang pinapangatawanan ng mg tagahanga ng pelikula ni Direk Vince.

Credit: Facebook

Sa kamakailang post sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Direk Darryl ang kanyang hamon kay Direk Vince. Ipinost ni Direk Darryl ang isang art card na nagpapakita ng pahayag na binitawan ni Direk Vince tungkol sa pagpapakalat ng disinformation.

Ayon sa direktor ng Katips, “Disinformation is the bigger enemy not Maid in Malacañang.”

Dahil dito ay sinabi ni Direk Darryl na sa ngalan ng paglaban para sa pagpapakalat ng disinformation ay hinahamon niya si Direk Vince na ibunyag sa publiko ang totoong kinita ng kanyang pelikulang Katips base sa mga nabentang ticket.

Nais din ni Direk Darryl na ipaliwanag ni Direk Vince ang biro na ginawa niya tungkol sa gross ng kanyang pelikula.

Ayon sa kanya, “Explain why you joked about 41.8M for your opening day and why you enjoy the fake news of 198M as your total gross to date. This and all for the sake of the Philippine Movie Industry and our Responsibility to the Bureau of Internal Revenue Philippines.”

Narito ang buong post ni Direk Darryl:

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag si Direk Vince tungkol sa hamon na ito ni Direk Darryl Yap.

You may also like:

Share this article
Erie Swan