P20/kilo bigas ibebenta na sa bayan ng Zambales simula sa Setyembre

Inihayag ng bayan ng Zambales na magbebenta ang LGU ng P20 kada kilo ng bigas para sa 17, 000 pamilya sa loob ng walong linggo simula sa susunod na buwan.

Ilang araw na ang nakalilipas, isang Kakampink supporter na kinilalang si “Kakampink 101” ang nagbahagi ng isang Youtube vlog ng kanyang pagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo para makatulong sa mga kapus-palad na Pilipino.

Credit: News5/Facebook

Nagsimulang magbenta ng bigas ang may mabuting kalooban na vlogger ilang linggo na ang nakakaraan sa paligid ng Taguig at Taytay. Karamihan diumano sa mga benepisyaryo ay mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kamakailan, sinabi ni Iba Mayor Aireen Maniquiz-Binan na ang programa ay hango sa “Rice Subsidy Program” na ipinakita ni dating Botolan Mayor at ngayon ay Zambales 2nd District Representative Nanay Bing Maniquiz.

Ayon kay Mayor Aireen, tatagal ng walong linggo ang rice subsidy program. Naglaan din ng tiyak na halaga ng pondo ang local government unit para sa programa, na naglalayong makatulong sa mga kapos-palad na residente.

Credit: DWIZ/Facebook

Layunin ng rice subsidy na makapagbenta ng abot-kayang bigas sa mga kapos-palad na Pilipino sa panahon ng tag-ulan.

Nagpahayag din ng pagnanais sina Mayor Omar Ebdane at Nanay Bing na ipatutupad ang programa hindi lamang sa Botolan kundi maging sa iba’t ibang bayan sa lalawigan. Katuparan din ito ng pangarap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makapagbigay ng abot-kayang bigas para sa mga Pilipino.

Credit: DWIZ/Facebook

Noong panahon ng kampanya ay nangako si PBBM na ibababa ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo kapag nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo.

Gayunpaman, inilarawan ng grupong Bantay Bigas ang pagnanais ng Pangulo na magbigay ng P20 kada kilo ng bigas bilang “suntok sa buwan”.

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

Credit: DWIZ 882/Facebook

You may also like:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *