Walden Bello nakalaya na, isang araw matapos arestuhin ng mga awtoridad

Nakalaya na ang dating kandidato para sa pagka-bise presidente dahil sa piyansa isang araw matapos siyang arestuhin.

Kamakailan ay inaresto ng mga awtoridad si Elections 2022 Vice Presidential candidate Walden Bello sa kanyang bahay sa Quezon City dahil sa kasong libel at cyber libel na isinampa laban sa kanya ni dating Davao City information officer Jefry Tupas.

Ang piyansa ni Bello ay nasa Php 48,000 kada kaso. Batay sa ulat ng ABS-CBN News, ay nabayaran naman kaagad ito ni Bello isang araw matapos siyang arestuhin.

Sa Bello ay isa nga sa mga kandidato sa vice presidential race na tumakbo sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa. Pinalitan niya si Raquel Castillo bilang running-mate ng presidential candidate at labor leader na si Ka Leody de Guzman.

Gayunpaman, natalo si Bello sa laban kay outgoing Davao City Mayor at ngayon ay Vice President Sara Duterte-Carpio. Siya rin ay nakaupo bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ang pag-aresto kay Bello ay kinumpirma ng kanyang chief-of-staff na si Leomar Doctolero. Batay sa ulat, noong Marso nang magsampa ng kaso si Tupas laban sa vice-presidential aspirant dahil sa akusasyon sa kanya na isa siyang drug dealer at diumano ay pagkakasangkot niya sa isang drug trade.

Itinanggi ng noo’y Davao City information officer ang mga paratang ni Bello laban sa kanya. Inilabas naman ni Davao City Regional Trial Court Branch 10 Judge Retrina Espe-Fuentes ang warrant of arrest na agad namang ipinatupad pagkalabas noong Lunes.

Matindi ring kritiko si Bello nina President Bongbong Marcos, Jr. at dating Pangulo Rodrigo Duterte.

You may also like:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.