Zanjoe Marudo at Ria Atayde nahuling magkasama, may relasyon nga ba?

Namataan ang Kapamilya stars na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo na magkasama sa New York at umani ito ng mga espekulasyon na may relasyon ang dalawa.

Medyo matagal na rin simula nang may nali-link kay Zanjoe. Samantala, may ilan namang mga pangalan na na-link kay Ria. Lumabas rin ang tsismis na may espesyal na relasyon sina Ria at ang aktor na si Joshua Garcia.

Credit: Zanjoe Marudo/Instagram

Gayunpaman, idiniin ni Ria na walang romantikong namamagitan sa kanila ni Joshua. Wala rin daw siyang nararamdamang kilig sa aktor dahil mas bata ito sa kanya.

Lumutang rin sa social media ang larawan ni Jake Ejercito na hinahalikan sa pisngi si Ria. Ito ay umani ng mga haka-haka nakakamabutihan rin ang dalawa. Gayunpaman, pareho silang hindi nagsalita tungkol sa issue.

Credit: Ria Atayde/Instagram

Samantala, sa isang kamakailang larawan na ipinost sa isang sikat na showbiz site ay makikita na magkatabi sina Zanjoe at Ria sa isang restaurant kasama ang kanilang mga kaibigan. Iba’t ibang reaksyon ang ibinahagi ng mga netizens na nagkomento sa post na ito.

Credit: FashionPulis

May mga nagpahayag na ayaw nila kay Ria para kay Zanjoe habang ang iba naman ay aprubado ito. May isang netizen na nagsabing hayaan na lang sana ng mga tao ang dalawang celebrities at maging masaya na lang para sa kanila kung totoo ngang may relasyon ang mga ito.

Sabi pa ng isang netizen, dapat maniwala na ang mga tao na may relasyon sina Zanjoe at Ria dahil diumano, marami na ang nakakita sa kanila sa Batangas.

Napansin naman ng isang netizen ang dami ng lalaking nali-link sa aktres. Ayon sa netizen, “Dami naman nalilink sa kanya from Joshua, Jake Ejercito now Zanjoe na. Maganda siguro siya in person.”

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

You may also like:

Share this article
Erie Swan