Kaladkaren, sinupalpal nga ba si Ruffa Gutierrez on live television?

Hindi natin mapapapaniwala ang isang tao sa parehong mga prinsipyong pinaniniwalaan natin. Bagama’t may pagkakaiba-iba sa mga bagay na tulad nito, mahalagang laging igalang ang opinyon ng bawat isa. Ang paggalang na ibinibigay ay paggalang na nakukuha.

Ngunit kamakailan lamang ay nalilito ang maraming netizens sa social media dahil sa mga nakakaintrigang mga pahayag ng mga Hurado sa Miss Q at A ng It’s Showtime na sina KaladKaren at Ruffa Gutierrez sa isa’t isa.

Sa question and answer portion ng kompetisyon, ipinahayag ni Ruffa na naniniwala siya sa pagkakaisa. Naniniwala siya sa kung ano ang magagawa ng pagkakaisa para sa mga tao at ang magagandang bagay na maaaring mapakinabangan ng mga tao dahil dito. Inihayag din niya ang kanyang paninindigan tungkol sa mga kamakailang isyu na dinaranas ng mga artistang katulad niya pagdating sa online bashing.

Credit: Kaladkaren/Instagram

Gayunpaman, kahit hindi direktang nagpahayag ng kanyang pagtutol ay sinabi ni KaladKaren na naniniwala siya na ang mga tao ay parang langgam; masipag, ngunit kahit gaano man kahirap ang kanilang ginagawa ay hindi pa rin nila maiangat ang kanilang katayuan sa buhay dahil sa bulok na sistema.

Watch the clip here:

Ang mga pahayag na ito nina Ruffa at Kaladkaren ay nag-trending kaagad sa social media. Marami sa mga netizens ang nagkaroon na kaagad ng sarili nilang opinyon tungkol sa usapin. Hindi kasi maiwasan ng iilan na ikabit ito sa nangyayari sa sitwasyon ng pulitika sa bansa.

Maraming mga netizens riniba’t-iba ang reaksyon tungkol sa kung paano tila sinupalpal ni KaladKaren ang pahayag ni Ruffa.

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Maaalala na noong nakaraang halalan ay magkaiba ng mga kandidato sa pagka-pangulo ang sinuportahan nina Ruffa at Kaladkaren.

You may also like:

Share this article
Erie Swan