Pagbubuntis ni Jessy Mendiola, ikinatuwa ng kanyang mga Celebrity friends

Noong nakaraang 2021 ay ikinasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa isang simpleng seremonya na ginanap sa The Farm sa Lipa, Batangas. Ibinahagi nila noon na plano nilang magpakasal muli sa susunod na taon para makadalo ang mga magulang ni Jessy.

At ngayong taon, talagang may plano silang magpakasal muli sa isang church wedding, pero napigilan ito dahil nagkaroon ng magandang dahilan.

Sa kamakailang mga post ay ibinahagi ni Jessy na siya ay buntis sa panganay nila ni Luis. Nagpost din siya ng sonogram ng kanilang baby.

Ayon sa kanyang caption: “Say hello to the world, our little Peanut!”

Credit: Jessy Mendiola/Instagram

Sinabi naman ng aktres na isa itong “pleasant surprise” para sa kanilang dalawa ni Luis at ang ganitong sorpresa ay patunay sa kanila na ang Diyos ang “master planner” ng kanilang buhay.

Ayon kay Jessy, “No matter what your plans are, HE has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.”

Credit: Jessy Mendiola/Instagram

Ibinahagi ni Jessy ang magandang balita sa pamamagitan ng isang vlog sa kanyang YouTube channel kung saan kinunan ang mga magagandang eksena at larawan sa isang kapilya sa Benguet.

Narito naman ang reaksyon ng mga kaibigan nina Jessy at Luis:

Credit: Jessy Mendiola/Instagram
Credit: Jessy Mendiola/Instagram

You may also like:

Share this article
Erie Swan