Rita Avila binanatan ang basher na siniraan ang pelikulang ‘Katips’

Binatikos ng beteranang aktres na si Rita Avila ang isang basher na nagkomento sa kanyang post na tampok ang Famas Awards na natanggap ng musical movie na Katips ng director at aktor na si Vince Tañada.

Isa si Rita sa mga artista na kumondena sa rehimeng Marcos at sa panahon ng Martial Law. Ipinakita niya ang kanyang suporta sa pelikulang itinampok ang mga pakikibaka ng mga nagprotesta noong panahong iyon. Base sa artikulo ng Manila Bulletin, nakatanggap ng komento ang post ng aktres mula sa isang netizen.

Ayon sa basher, “Bakit takot i public yung Comment section HAHHAHA kawawa.”

Credit: Rita Avila/Instagram

Ibinahagi ng aktres ang screenshot ng sa kanyang tugon sa basher. Sinabi ni Rita Avila na hindi siya takot. Pinili lang niyang salain ang mga komento para sa kanyang sariling kapayapaan ng isip.

“Ang tawag doon ay SELF CARE. Kahit anong buti pa ng post ko ay pangit ang nakikita nyo. So bakit ko naman gugustuhin ang comments nyo?” sabi pa ng aktres. Idinagdag din niya na umaasa siyang mahanap ng mga bashers ang tamang uri ng pagmamahal at paggalang mula sa iba at makahanap ng mga taong gagabay sa kanila sa paggawa ng mabuti.

Sa kanyang Instagram post kamakailan ay ibinahagi niya ang isang art card ng kanyang pahayag sa pelikulang Katips. Sa caption ng kanyang post, sinabi niya na ipinost niya ito na may magandang intensyon ngunit binatikos pa rin ng maraming tao.

Credit: Rita Avila/Instagram

May mga bashers daw na consistent sa pagsasabing baliw siya dahil sa mga doll collections niya.

Depensa ni Rita, “Umani pala ng maraming batikos ang maayos kong sinabi. Shempre consistent ang mga nagalit sa pagsabing BALIW kasi ako. WOW HA. Nakain na talaga ng zombies ang brains ng mga ito. 18 years old na ang mga manika ko, di pa rin sila naka-move on.”

“Ang galing ko namang baliw, nakasulat ng children’s books, nakakapagtrabaho ng maayos, at wala sa mental hospital. Sorry pero parang sila ang baliw. Wala silang katinuan eh.”

Sinagot din ni Rita ang isa pang ibinabato sa kanya ng mga bashers na “laos” na siya.

“Pangalawang bato nila: LAOS. Sila na ang sikat. Aanhin ko ang maging sikat? LAOS na yang mga pang-mamaliit nila. Sinasalamin lang nila lahat ng sinasabi nila. Sabagay sila naman yan, hindi ako. BUTI NA LANG,” pagtatapos pa ng aktres.

Credit: Rita Avila/Instagram

Related article:

Share this article
Erie Swan