Natapos na ang pinakamahabang drama-action series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano” at narito ang resulta ng kanilang record-breaking live viewers.
Natapos na nga ang seryeng Ang Probinsyano ng Kapamilya actor na si Coco Martin noong Agosto 12 at ang pagtatapos ay nangyari pitong taon pagkatapos maipalabas ang teleserye na ito. Kung maaalala, ito ay unang ipinalabas noong 2015 at ang kuwento ni Cardo Dalisay ay hindi lamang nagbigay inspirasyon at aliw sa maraming tao kundi nagtampok din ng maraming mga artista na nagbigay sa kanila ng pagkakataon upang sumikat sa industriya.

At ang ilang mga artista na napabilang sa serye na minsang tinawag na “laos” ay nabigyan muli ng kanilang pangalawang pagkakataon upang ipakita ang kanilang talento.

At ngayon, dahil sa wakas ay ipinalabas na ang pagtatapos ng serye pagkatapos ng pitong taon ay hindi ito nabigo na bigyan ang mga manonood ng isang kapana-panabik na plot at tagos sa puso na pagtatapos na gumawa rin ng kasaysayan.

Umabot ng sobra sa 500,000 viewers ang live na nanood sa Kapamilya Network sa Youtube – ang kanilang pinakamataas na numero sa history ng palabas.

Maraming netizens ang nakaramdam ng iba’t-ibang emosyon tungkol sa pagtatapos ng palabas dahil, sa loob ng pitong taon, ito ay naging bahagi ng kanilang bisyo gabi-gabi. Marami ang nalungkot at marami ang nagpasalamat dahil naghatid din ang palabas ng isang kuwento na nagbigay sa kanila ng maraming aral tungkol sa pag-ibig, buhay, pagkakaibigan, at katapatan.
You may also like: