Marco Gumabao naiinggit nga ba sa successful career ni Daniel Padilla?

Ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla ay isa sa mga pinakasikat at pinakamatagumpay na artista sa bansa. Bata pa lamang ay nag-umpisa na siya sa industriya at sa kanyang edad ngayon, ay masasabing naabot na niya ang rurok ng tagumpay.

Naayos na rin niya ang kanyang pamilya, nakabili ng bahay, at nagmamay-ari ng ilang negosyo. At kung may isang bagay na kulang sa kanyang buhay, ito ay ang kasal sa kanyang on at off-screen partner na si Kathryn Bernardo.

Credit: Daniel Padilla/Instagram

Mas kilala bilang KathNiel, ang kanilang mga proyekto ay palaging record-breaking at laging nag-iiwan ng marka sa showbiz industry. At ngayon, sa hindi maipagkakailang tagumpay ni Daniel ay marami ang nagtatanong kung ang kaibigan ba niyang si Marco Gumabao ay nakakaramdam, kahit papaano, ng insecurity?

Inamin ni Marco na siya ay nakakatanggap ng mga tanong na tulad nito mula noon pa man. Ngunit sinabi niya na hindi siya nakaramdam ng kahit konting inggit sa tagumpay ni Daniel. Talagang ipinagmamalaki niya hindi lang ang career ni Daniel kundi ang mga nagawa ng mga artista sa kanyang henerasyon.

Credit: Marco Gumabao/Instagram

Ayon sa ulat ng PUSH, ang tagumpay ni Daniel ay ang inspirasyon at motibasyon ni Marco para paghusayan pa ang kanyang trabaho.

Ayon sa aktor, “So, let’s always look at things na kumbaga, yon ang source of motivation or source of inspiration kasi kaya naman talaga nandiyan sila kung nasaan sila ngayon, to serve as inspiration to other people na nagsimula pa lang.”

Idinagdag din ng aktor na walang saysay na makaramdam ng sama ng loob o magselos sa tagumpay ng isang tao, lalo na sa showbiz. Maghihilaan lang daw sila pababa kung ganito ang mararamdaman nilang lahat.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.