Hipon Girl ibinulgar ang matinding pinagdaanan para makamit ang 23-inch waistline

Binuksan ni Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl ang mga hirap na pinagdaanan niya nang sumali siya sa pageant.

Ang isang slim figure at isang maliit na baywang ay nakalulugod sa mata. Ang mga ganitong klase ng kurba ay makikita natin sa mga babaeng modelo at sumasali sa mga pageant. At ang pagkamit nito ay hindi kasingdali kagaya ng inaakala ng iilan. Nangangailangan ito ng lakas ng loob at matinding disiplina.

At ito lahat ang ginawa ni Herlene nang sumali siya sa Binibining Pilipinas 2022 pageant. Dumaan siya sa pinaka matinding diyeta na walang kanin. Tulad ng alam nating lahat, ang kanin ay isang pangunahing pagkaing Pilipino at ito rin ang pangunahing source ng carbohydrates.

Credit: Herlene Budol/Facebook

Ipinahayag ni Herlene na habang siya ay nagdi-diyeta ay halos masiraan siya ng isip. Nakaranas din siya ng mga side effect na dulot ng malalaking pagbabago sa kanyang diyeta. Bawal siyang kumain ng kanin at kadalasan, itlog at saging lang ang daw ang kinakain niya.

Bukod sa matinding pagbaba ng timbang, dumanas din siya ng mga pagbabago sa kanyang mood, hirap sa pagdumi, stress, at alopecia. Isa pa, madalas siyang naiirita kaya naisip niyang abnormal siya.

Pag-amin ni Herlene, “Nung nagpacheck-up po ako, ayun po young reason. Kasi nabibigla din daw po yung katawan ko.”

Credit: Binibining Pilipinas/Facebook

Bago ang pageant, nasa 27-inch ang sukat ng kanyang baywang at noong pageant, nakamit niya ang 23-inch waistline.

Samantala, bukod sa 1st runner-up title ni Herlene ay hinakot din niya ang halos pitong special awards tulad ng Binibining Silka, Binibining World Balance awards, Manila Bulletin Readers’ Choice Award, Binibining Pizza Hut 2022, Binibining Shein, Binibining Kumu, at JAG Queen.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan