John Arcilla nakatanggap ng death threat dahil sa pagganap bilang Hipolito sa “Ang Probinsyano”

Inamin ni John Arcilla na nababahala siya sa mga death threat na natanggap niya mula sa mga netizens na tila hindi maihiwalay ang realidad sa pagganap niya sa kanyang role bilang kontrabida sa katatapos lamang na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Credit: John Arcilla/Instagram

Si John, na gumanap sa karakter ni Renato Hipolito sa Pulis-serye, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account noong Biyernes, Agosto 12, ay tinugunan ni John ang galit na natatanggap niya sa pamamagitan ng pag-post ng mga mensahe ng mga netizens na minumura at pinagbabantaan ang kanyang buhay.

Ayon sa magaling na aktor, “Dumadami na naman fans ko at personal message pa. Pero nakaka bother din. Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Pagbantaan po ninyo si Hipolito huwag po ako. Kasi parang mejo hindi nakakatawa yon diba?? Peace po.”

Credit: John Arcilla/Instagram

Makikita naman sa hiwalay na post na nakatanggap din si John ng mensahe mula sa isang netizen na ipinagdarasal na sana ay mam*tay na siya sa totoong buhay. Kinondena din ito ng aktor.

“Sana Hindi ka Seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba. Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang Personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, understandable pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review ang ating sense of reality.”

“Ang moral lesson po dito ay dapat talaga walang WAR, dahil kung itong fiction lang ay nasasaktan tayong lahat lalo na sa totoong buhay. Sabi nga Walang nananalo sa giyera. Bawat kampo ay may kanya kanyang mga kapatid anak asawa at magulang,” dagdag pa ni John.

.”

Credit: John Arcilla/Instagram

Ipinalabas ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang huling episode nito noong Biyernes, na nag-trending online dahil sa halos 586,000 na nanood dito.

Credit: John Arcilla/Instagram

Namatay ang karakter ni John sa serye kasama ang ilan pang mga kontrabida at lahat ng miyembro ng Task Force Agila.

Credit: John Arcilla/Instagram

Samantala, kinilig naman ang lahat nang magkita ang mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes na sina Cardo Dalisay at si Mara sa ending ng teleserye na minahal ng mga manonood sa loob ng pitong taon.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan