Coco Martin gagawin nga ba ang book 2 ng “FPJ’s Ang Probinsyano?”

Naging totoo ang Primetime King na si Coco Martin tungkol sa posibilidad na magkaroon ng Book 2 ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ang final episode ng top-rating series ay umabot sa 586K live viewers sa YouTube palang. Karamihan sa mga eksena ay nag-trending online dahil opisyal nang natapos ang seryeng ipinalabas sa loob ng pitong taon.

Credit: John Arcilla/Instagram

Bumalik sa probinsya ang karakter ni Coco na si Cardo Dalisay at nagsimula ng panibagong buhay. Natuklasan rin niya na buhay pa pala si Mara na ginampanan naman ni Julia Montes.

Angkop ang pamagat na “Mission Accomplished” dahil natapos ng mga Agila ang kanilang misyon na wakasan ang mga banta sa terorismo na sina Renato, na ginampanan ng magaling na aktor na si John Arcilla, at iba pa.

Credit: Coco Martin PH/Instagram

Gayunpaman, nakakadurog din ng puso ang halos lahat ng eksena dahil namatay din ang lahat ng miyembro ng Agila maliban kay Cardo.

Sa tagumpay ng serye ay marami ang nagtatanong kung magkakaroon pa ba ito ng Book 2? O ginagawa na ba ang Book 2?

Credit: Coco Martin PH/Instagram

Ayon sa ulat ng ABS-CBN ay matapat na sinagot ni Coco ang mga katanungan at ibinunyag na wala pa siyang ideya tungkol dito. Sa ngayon ay abala siya at ang iba pang cast sa “Walang Hanggang Pasasalamat” tour dito sa Pilipinas at sa Amerika.

Dagdag pa niya, ang desisyong ito ay depende sa kanilang mga big bosses sa ABS-CBN. Pero sa ngayon ay wala pa diumano siyang plano.

Credit: Coco Martin PH/Instagram

Ayon kay Coco, “Honestly, hindi pa. Hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss o pag-usapan o pag-meetingan. Siguro after ng mga tour, mall shows. Eh meron pa kaming mga US tour. Saka siguro namin pag-uusapan kung anong next.”

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.