Ogie Diaz kinastigo si Rep. Marcoleta tungkol sa sinabi nitong labag sa batas ang ABS-CBN-TV5 Deal

Nag-react ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz sa sinabi ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta na lumabag sa batas ang partnership ng mga network giants na TV5 at ABS-CBN.

Noong Mayo 2020 ay binigyan ng cease and desist order ang Kapamilya network ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos tanggihan ng Kongreso ang pag-renew ng prangkisa nito. Isa si Marcoleta sa mga mambabatas na pumirma pabor sa pagbasura sa probisyon ng prangkisa para sa ABS-CBN.

Nitong Agosto, base sa ulat ng Inquirer ay nagkaroon ng investment agreement ang TV5 at ABS-CBN. Sa kasunduang ito, nakuha ng Kapamilya network ang 6.46 milyon na common shares ng Kapatid network, o 34.99 porsiyento ng kabuuang outstanding capital stock nito. Bukod pa riyan, kasama rin sa kasunduan ang P1.84 bilyong halaga ng convertible notes na ibibigay ng TV5 sa ABS-CBN.

Gayunpaman, sinabi ni Marcoleta na ito ay isang paglabag sa batas. Sinabi niya sa kanyang privilege speech na ang pagsasanib pwersa na ito sa pagitan ng dalawang network ay nag-iiwan ng masamang lasa sa bibig. Ang komentong ito ng kontrobersyal na mambabatas ay hindi sinang-ayunan ni Ogie.

Ibinahagi ng talent manager at vlogger sa Twitter ang kanyang saloobin sa isyung ito.

Ayon sa kanyang tweet, “Juice ko po, sir. Sumunod naman, pero ayaw nyong tanggapin. Ngayong bumili ng shares, me kuda pa din kayo. Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno.”

Binigyang-diin din ni Ogie na sa ngayon ay kailangan ng gobyerno ng pera.

“Ikaw ba sasagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo pag nangyari yung ayaw mo? Move on ka na po,” dagdag pa niya.

Isa si Ogie sa maraming artista na sumuporta sa likod ng ABS-CBN nang utusan itong ipasara. Ang kanyang post tungkol sa paghahabol ni Marcoleta laban sa pagsasanib pwersa ay nakatanggap ng suporta mula sa ibang netizens.

Narito ang ilan sa ilang komento ng mga netizens:

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan