Muling umingay ang mga haka-haka na buntis ang aktres na si Julia Montes dahil sa pagkalat ng mga iilang larawan nito sa social media.
Nagsimulang kumalat ang mga kamakailang tsismis na nagsasabing buntis si Julia nang biglang magpaalam ang karakter niya sa FPJ’s Ang Probinsyano. Gayunpaman, bago natapos ang longest-running TV series ay muling lumitaw ang karakter niyang si Mara sa ending ng last episode.
Sa kabila ng pagsulpot ni Julia ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu ng kanyang pagbubuntis. Batay sa artikulo ng Manila Bulletin, ang mga kamakailang larawan ni Julia na kuha noong thanksgiving party ng Kapamilya series ay nakapag-pataas ng kilay ng mga netizens.

May mga nakapansin na tumaba ang aktres. Ayon sa isang netizen, “Parang buntis nga tingnan ni Julia tumaba cya.”
Hindi ito ang unang pagkakataon na naintriga si Julia na buntis. Noong 2018 ay nagpahinga siya sa showbiz at pumunta sa Germany. May mga nag-akala na sinubukan niyang itago ang kanyang pagbubuntis sa rumored boyfriend niyang si Coco Martin.

Sa kabilang banda, idiniin ng kampo ng aktres na gusto lamang niyang makasama ang kanyang ama.
Mayroong ilang mga larawan at mga post sa social media na dumagdag pa sa ingay na nag-uugnay kina Coco at Julia. Lumabas ang mga espekulasyon na nakasuot na ng engagement ring ang Kapamilya actress.

Samantala, ibinahagi ni Julia ang kanyang taos-pusong mensahe kay Coco bilang pagpupugay nito sa aktor. Pinuri ng aktres ang dedikasyon ni Coco sa lahat ng kanyang ginagawa. Idinagdag pa ng aktres na sobrang proud siya sa aktor.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa nagsasalita si Julia tungkol sa balitang pagbubuntis. At hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila nagsasalita ni Coco tungkol sa real score sa pagitan nilang dalawa.
READ ALSO: