Marami ang hindi pabor sa pagsasanib pwersa ng dalawang higanteng network sa bansa, ang ABS-CBN at TV5, ngunit nagpahayag ng suporta si Sen. Raffy Tulfo dito at wala siyang nakikitang isyu.
Naniniwala ang dating brodkaster, na makikinabang ang manonood sa partnership ng ABS-CBN at TV5.
Binigyang-diin din niya na ang partnership na ito ay maghahatid sa mga manonood ng de kalidad na mga palabas na magpapasaya sa kanila.
Sumasalungat ang pahayag na ito ng Senador, sa naging reaksyon ni Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta na naniniwalang kailangang suriin ng kongreso ang partnership.
Ang ABS-CBN at TV5 ay pumirma ng partnership deal noong Agosto 11, na nagtaas ng block timing ng Kapamilya Network sa isang agreement partnership sa Kapatid Network.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, walang nakikitang paglabag si Sen. Tulfo sa naging partnership deal.
Ayon sa kanya, “Kung merong violation, then it’s a different story, it’s a different ballgame. Pero kung wala tayong makikitang mali at okay lang ‘yung merger ng ABS-CBN at TV5, so let it be.”
Alam diumano ng Senador ang kalakaran sa industriya ng media kung kaya’t ganun na lamang ang kanyang pagbibigay suporta sa partnership deal.
Sa kabilang banda, sa mababang kapulungan, magtatakda ng briefing ang house committee on legislative Franchises sa Huwebes sa merger deal ng Kapamilya at Kapatid network.
Ito ay may kinalaman sa naging hayagang pagtuligsa ni Rep. Marcoleta sa nasabing partnership at ang hiling niya sa kongreso na magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa isyung ito.
Kung maaalala noong 2020, isa si Rep. Marcoleta sa mga mambabatas na hayagang tumanggi sa francise renewal ng Kapamilya Network.
READ ALSO: