Vice Ganda isang linggo nang hiwalay kay Ion, ngunit…

Itinuwid ng mga It’s Showtime host na sina Vice Ganda at Ion Perez ang tsismis tungkol sa kanilang diumano’y hiwalayan.

Mag-asawa sa totoong buhay sina Vice at Ion. Noong nakaraang Oktubre 19, 2021, ginawa nila ang kanilang wedding ceremony sa The Little Vegas Chapel sa Las Vegas. Ito ay biglaang desisyon ng dalawa.

Ayon pa sa vow ni Vice, “Noy, mahal na mahal din kita. At ang saya saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon. Ikaw yung kasama ko kahapon. At ikaw yung alam ko na makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod pang araw.”

Credit: Vice Ganda/Instagram

Gayunpaman, hindi pa rin sila tinatantanan ng intriga na silang dalawa ay naghiwalay na. Kaya naman hindi na nakatiis ang Unkabogable Star at sinagot na kaagad ang isyu.

Ayon kay Vice, halos isang linggo na silang hiwalay ni Ion, ang pinakamatagal nilang hiwalayan mula nang magdesisyon silang magsama.

Credit: Vice Ganda/Instagram

Kasama kasi ni Ion ang kanyang pamilya sa Japan habang kasama rin niya ang kanyang pamilya sa Bohol. Saglit silang naglaan ng oras sa kani-kanilang pamilya para balansehin ang kanilang buhay. Ang paghihiwalay nila sa kasalukuyan ay hindi nangangahulugang tinapos na nila ang kanilang relasyon.

“Kasama ko kasi ‘yung pamilya ko noong wala siya. Balanse. Nagpunta siya ng Japan kasama ang pamilya niya, nagpunta naman ako ng Bohol kasama ko ang pamilya ko. Bala-balanse, time with our families. At pagkatapos, bumalik sa mga bisig ng isa’t isa! Gano’n!” Paliwanag pa ni Vice.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, idiniin ni Vice na masaya silang dalawa ni Ion kaya dapat na daw tumigil ang mga gumagawa ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan