Grace Lee, ibinulgar ang trauma na dinanas nang makipag-date kay Noynoy Aquino

Ibinunyag ng Korean businesswoman at TV host na si Grace Lee ang hindi niya makakalimutang bahagi nang pakikipag-date niya kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Nag-date sina PNoy at Grace noong 2012 pero hindi ito nagtagal. Noong panahong iyon, nang tanungin ang Korean-born celebrity tungkol sa relasyon niya sa noo’y Presidente, sinabi niyang inisip niya na hahantong silang dalawa sa altar. Sa katunayan, ipinagdarasal niya raw ito.

Sa isang panayam kamakailan, base sa artikulo ng PEP, sinabi ng TV host na ang panahong nakipag-date siya sa dating Pangulo ang pinakakontrobersyal na bahagi ng kanyang buhay.

Ayon kay Grace, “Hindi ko pinagsisisihan ang mga bagay sa buhay. Hindi ko iyon pinagsisihan dahil mabuti siyang tao. It was just… Hindi ko gusto ang publicity.” Sinabi din niya na hindi sila naging magka-relasyon ng dating Presidente subalit anim na buwan diumano silang nag-date.

Credit: Grace Lee/Instagram

Nagdulot din daw sa kanya ng trauma ang pakikipag-date niya sa isang high-profile personality.

“Isa sa mga bagay na kinaiinisan ko sa bahaging iyon ng aking buhay, na lubhang nakaka-trauma para sa akin, ay ang pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa aking pribadong buhay,” dagdag pa niya.

Dahil dito, idiniin niya na hinding-hindi na siya makikipag-date sa isang lalake na may high-profile personality dahil sobra-sobra na ito para sa kanya. Ayaw niya raw talaga na pinakikialaman ang kanyang personal na buhay.

Credit: Buhay Korea

Sabi ni Grace, ayos lang sa kanya na pag-usapan ang kanyang trabaho at ang kanyang mga palabas. Pero nagulat na lang daw siya nang makita niya ang kanyang pangalan at mukha sa front page na may quote na hindi niya sinabi.

Ibinahagi din niya na maayos at masaya ang kanilang dating sitwasyon bago pa ito nalaman ng publiko. Gayunpaman, nang ito ay nalaman ng publiko, ito ay naging kakila-kilabot para kay Grace.

“And I actually felt bad for him also because he also felt bad about it, pero wala rin siyang magawa. Siya ang pangulo ng bansa,” paliwanag pa ng Korean beauty.

Gayunman, iginiit ni Grace na hindi niya pinagsisihan ang bahaging iyon ng kanyang buhay dahil mabuting tao daw si Pangulong Noynoy Aquino.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.