Nag-react ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa mga tsismis na sasampahan niya ng kaso ang kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica at ang rumored girlfriend nitong si AJ Raval.
Kamakailan lang ay lumabas ang tsismis na buntis si AJ sa baby nila ni Aljur. Gayunpaman, itinatanggi ito ng Viva actress sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang fit figure at pagla-live sa social media.
Kinumpirma rin Viva artist na ang dahilan ng kanyang biglaang pag-alis sa kanilang lock-in taping ay dahil nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa gitna ng tsismis na ito, ibinahagi ni Kylie ang kanyang larawan na umani ng reaksyon mula sa mga netizens na nagsasabing ito ang naging paraan niya para sabihing hindi siya nababahala sa mga tsismis na buntis si AJ. Dahil kung tutuusin, asawa pa rin naman siya ni Aljur.
Sa isang panayam kamakailan, base sa artikulo sa Bandera, natanong si Kylie tungkol sa mga tsismis na kakasuhan niya ang kanyang estranged husband at sexy actress.
Ayon kay Kylie, “There is no issue at all about this. We’ve mutually agreed noon pa that we can date other people, so stop dragging my name into this.”

Iginiit din ng Kapuso actress na priority niya ngayon ang kanyang mga anak.
“I’m just happy and thankful na nakabalik ako sa aking acting career,” dagdag pa niya.
Samantala, nagkaroon ng TV comeback si Kylie sa pamamagitan ng seryeng Bolera kasama sina Jak Roberto at Rayver Cruz. Aniya, kakaibang proyekto itong kanyang ginawa para sa kanyang pagbabalik.
Bukod sa TV projects ay nagsimula nang mag-shooting si Kylie para sa pelikula kasama ang Kapamilya actor at kontrobersyal na si Gerald Anderson sa Switzerland.
READ ALSO: