Darryl Yap naglabas ng pruweba na pinuri ni Ninoy Aquino si Imelda Marcos

Nagpakita ng “patunay” ang kontrobersyal na director at writer na si Darryl Yap na pinuri ni dating Senador Ninoy Aquino si dating First Lady Imelda Marcos.

Naitala sa kasaysayan ang hidwaan na nangyari sa pagitan ng mga Marcos at Aquino. Nakilala si Ninoy bilang numero unong kritiko ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. At noong nakaraang halalan ay muling nabuhay ang isyu sa pagitan ng dalawang kilalang political clan sa Pilipinas.

Ang katotohanang nanalo si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. sa halalan noong 2022 ay muling nagpa-alab sa damdamin ng mga tagasuporta ng mga Aquino na sumama sa pagpapatalsik sa mga Marcos noong 1986. Gayunpaman, ang mga tagasuporta ng mga Marcos, kabilang na si Direk Darryl ay hindi basta-basta sumusuko sa laban.

Kilala ang kontrobersyal na direktor sa kanyang mga pasabog na post sa social media, lalo na sa paraan ng pagpatol niya sa kanyang mga bashers. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Direk Darryl ang larawan ng isang liham na ipinadala sa “Dr. Aventura.” Ito ay may petsang Mayo 7, 1980.

Ayon pa sa caption ni Direk Darryl: “I’m doing one movie before I proceed to #MoM but this jewel from Cocky Rocky deserves a moment. Ninoy praising Imelda. A Yellow-Pink tissue to the false nationalistic verbal diarrhea of the losers of the nation.”

Biniro din ni Direk Darryl na malapit na ang pelikula niyang MoM (Martyr or Murderer). Ito ang sequel ng kanyang blockbuster film na MiM (Maid in Malacanang)

Sa liham, ipinahayag ni Ninoy ang kanyang pasasalamat sa doktor para sa mahusay na atensyon na ibinigay sa kanya. Inamin niya na noong nakaraan ay pinupuna niya ang Unang Ginang ngunit napagtanto niya ang mga pagsisikap na ginagawa nito.

Isinulat din niya na nagbago ang kanyang pananaw sa Unang Ginang nang makita niya ang ginawa nito sa Heart Center.

“I’ve been most critical of the First Lady’s project. I take back all my hash words,” saad niya.

Sinabi rin ni Ninoy na si Ginang Marcos ay nararapat sa lahat ng papuri dahil sa pagbibigay ng ganitong uri ng serbisyo sa mga tao. Aniya, kabalintunaan na isa sa pinakamapait na kritiko ni Imelda ang nakinabang sa proyektong iyon. Sinabi rin ng dating Senador na kapag humupa na ang isyu, ang dating Unang Ginang ay kikilalanin ng mga tao sa kanyang mga nagawa.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *