Julia Barretto ginulat ang netizens sa mapangahas na photo shoot

Ginulat ng mga mapangahas na larawan ng Kapamilya actress na si Julia Barretto ang mundo ng social media.

Si Julia ay anak ng dating mag-asawang Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Mayroon siyang 4 na kapatid na sina Dani, Claudia, Erich, at Leon.

Sa kasalukuyan ay mayroong relasyon si Julia sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson. Naging bukas si Julia tungkol sa posibilidad na iwan ang showbusiness at mag-settle down sa mga susunod na taon. Pinapangarap din diumano ng aktres na ikasal at magkaroon ng pamilya balang araw.

Credit: Gerald Anderson/Instagram

Sa isang interview kay King of Talk Boy Abunda ay tinanong si Julia kung handa ba siyang umoo kung sakaling magpo-propose sa kanya si Gerald sa mga susunod na araw. Walang pag-aalinlangan na sinagot niya ito ng “yes.”

Samantala, nag-viral naman ang pinakabagong Instagram post ni Julia. Batay sa caption, ang mga larawan ay para sa promo ng kanyang bagong pelikula na pinamagatang “Expensive Candy.”

Sa larawan ay nagsuot si Julia ng isang sexy lingerie na hindi pa niya nasusuot sa kahit anumang photo shoot. Super fierce ang peg ni Julia dito.

Credit: Julia Barretto/Instagram

Ayon sa caption ng post, “Hello? It’s Candy. I’m coming soon. ‘EXPENSIVE CANDY’ FULL TRAILER DROPS TOMORROW at 7PM.”

Credit: Julia Barretto/Instagram

Hindi naman magkamayaw ang mga netizens sa paghanga sa mapangahas na look ni Julia. Maging ang kanyang mga showbiz friends ay napa-wow rin dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Credit: Julia Barretto/Instagram
Credit: Julia Barretto/Instagram

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *