Costume reveal ni Jane De Leon sa Darna pinagkaguluhan ng mga netizens

Hindi maitatanggi na may wow factor ang transformation ni Jane De Leon habang suot ang kanyang Darna costume sa fantaserye ng Kapamilya network.

Si Jane ang gumaganap sa title role ng “Darna TV Series”. At sa ikalimang yugto ng serye, sa wakas ay nangyari na ang pagbabagong pinakahihintay ng lahat.

Samantala ayon sa caption ng ipinost na Darna poster ni Jane: “Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong pero wala ka namang ginawa.”

Credit: Jane de Leon/instagram

Ang pagbabago ng Kapamilya actress sa iconic na superheroine ay nakakuha ng mga papuri mula sa mga netizens sa social media.

Pinatunayan lamang kasi ni Jane na siya ay deserving sa role at ipinamukha sa kanyang mga bashers na kaya niya itong panindigan sa kabila ng pagiging baguhan sa industriya. Pinuri rin ng premyadong direktor ng serye na si Chito S. Roño ang kanyang pag-arte at talento sa serye. Mahusay diumano ang ginawa ni Jane ayon sa direktor.

Credit: Twitter

Bukod sa mga papuri na natanggap ni Jane mula sa mga netizens ay nag-react din ang mga kapwa niya celebrities sa viral at pinag-uusapang transformation.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Samantala, mapapanood ang Darna series sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, Cinemo, iWantTFC, at TFC.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan