Legacy ni Ninoy Aquino, nanganganib ayon sa TIME Magazine

Ang pamana ni dating Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas ay nanganganib na mawala, ito ang pinaniniwalaan ng TIME Magazine.

Namatay si Ninoy noong Agosto 21, 1983 nang bumalik siya sa Pilipinas mula sa Amerika. Tatlong taon pagkatapos ng kanyang pagkamatay, pinamunuan ng kanyang asawang si Corazon “Cory” Aquino ang isang pag-aalsa na kalaunan ay nagtulak sa mga Marcos na umalis ng Malacañang at lumabas ng bansa. Si Ginang Aquino rin ay naging Pangulo pagkatapos ni Ferdinand Marcos, Sr.

Credit: Youtube

Ayon sa artikulo ng TIME sa panulat ni Chad de Guzman, ang pamana na iniwan ni Ninoy para sa kanyang “pagkamatay para sa sambayanang Pilipino” ay nasa panganib ngayon pagkatapos bumalik sa kapangyarihan ang mga Marcos. Si Pangulong Bongbong Marcos Jr., anak ni FEM, ay nanalo sa halalan noong 2022 at nakakuha ng 31 milyong boto.

Sinabi ni De Guzman sa kanyang artikulo na si PBBM ay napaka-vocal sa pagpuri sa kanyang ama at iniiwasan niyang pag-usapan ang “maraming unresolved issues from the era of martial law.” Binanggit din ng manunulat na iniutos ng Pangulo na rebisahin ang mga libro upang mabawasan ang atensyon nang pagbanggit sa yaman ng kanyang pamilya.

Credit: Martial Law Museum

Dagdag pa ni de Guzman, “His decision to observe or ignore the upcoming Ninoy Aquino Day—one of several “hallmarks of the revolution”—will signal the extent of his appetite for further historical revisionism, experts say.”

Binanggit din ng manunulat na pagkatapos ng halalan ay isang mambabatas na ang nagpahayag ng panukalang batas na nagmumungkahi na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Binanggit din ni De Guzman ang pelikulang Maid in Malacañang ng controversial writer-director na si Darryl Yap.

Tinukoy niya na ang paglalarawan ng huling 72 oras ng mga Marcos sa Palasyo ay naglalayong ipakita ang pamilya bilang “tragically misunderstood figure, behaving nobly in the face of the mob at the gates.”

Binanggit din ni De Guzman na idiniin ni Senator Imee Marcos, kapatid ni PBBM, na ang pelikulang ito ay isang “work of truth.” Sa artikulo, itinampok ng manunulat ang pahayag ng mananalaysay na si Michael “Xiao” Chua na ang makinarya ng kabilang panig ay napakalaki.

Para sa mananalaysay, ang pagsaway sa mga pista opisyal na may kaugnayan sa pag-aalsa ay “distasteful.”

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.