Larawan nina Liza Soberano at Kathryn Newton nagpakilig sa mga Pinoy fans

Nagbigay ng excitement sa mga Pinoy fans ang larawan ng aktres na si Liza Soberano kasama ang Hollywood actress na si Kathryn Newton.

Dito sa Pilipinas ay itinuturing si Liza na isa sa mga pinakamalaking bituin ng kanyang henerasyon. Ngunit mukhang unti-unti na niyang naaabot ang kanyang pangarap na ipagpatuloy ang kanyang karera sa Hollywood.

Credit: Liza Soberano/Instagram

Alam din ng marami na one of a kind ang kanyang kagandahan ngunit kinikilala rin siya ng mga tao dahil sa kanyang mabuting puso. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang sumusuporta sa kanyang layunin na mapunta sa international scene at sa kabutihang palad ay unti-unti na niya itong natutupad.

Ang kanyang unang Hollywood film ay isang horror-comedy movie mula sa direksyon ni Zelda Williams at isinulat ni Diablo Cody.

Credit: Liza Soberano/Instagram

Kamakailan lang ay nagbahagi ng larawan si Kathryn kasama si Liza sa Instagram.

Ayon sa caption ng Hollywood star, “Lisa not Liza aka Kathryn and it’s Liza not Lisa aka Taffy.”

Ang sumunod na larawan na ibinahagi ni Kathryn ay ang kanyang gamit para sa shooting at may nakasulat na note dito na “Lisa not Liza aka Kathryn #1.”

Credit: Kathryn Newton/Instagram

Ibinahagi ni Liza ang post na ito sa kanyang Instagram Story na may caption na, ” Liza & Taffy’s Day Off.”

Samantala, hindi naman mapigilan ng mga Pinoy fans ang kanilang tuwa na nakakamit ni Liza ang kanyang Hollywood dream.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Credit: Liza Soberano/Twitter
Credit: Liza Soberano/Twitter
Credit: Liza Soberano/Twitter
Credit: Liza Soberano/Twitter
Credit: Liza Soberano/Twitter

Sinabi naman ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz, na may Korean dream din ang aktres, bukod sa Hollywood dream. Ito ay dahil si Liza ay isang malaking tagahanga ng K-Pop at K-Drama.

Maaalalang nagpunta si Liza at ang manager niya ngayon na si James Reid sa South Korea ilang linggo na ang nakakaraan. Kaya naman ang ilan sa kanyang mga tagahanga ay nag-iisip na nakikipag-negosasyon na ang aktres para sa ilang mga proyekto doon. Lumabas din ang aktres sa isa sa mga palabas sa South Korea.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan