Gerald Anderson “nabuntis” si Kylie Padilla? Hiwalay na rin daw kay Julia Barretto?

“Buntis” diumano ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa aktor na si Gerald Anderson. May mga chika rin na nagkaroon diumano ng problema si Gerald sa girlfriend nitong si Julia Barretto.

May usap-usapan na may kinakaharap daw na problema ang relasyon nina Julia at Gerald at tinatago lang diumano sa publiko na hindi sila okay.

Credit: Erwin Blanco/Facebook

Sa isang Showbiz Update vlog kamakailan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, isa ito sa mga pinag-usapan kasama ang kanyang mga co-hosts na sina Tita Jegs at Mama Loi.

Ibinahagi nila ang screenshot ng Facebook post ng isang netizen na napansing na-delete ni Julia ang karamihan sa mga larawan nila ni Gerald sa kanyang Instagram account.

Credit: Ogie Diaz/Youtube

Dahil dito, lumabas ang mga haka-haka na naghiwalay na ang dalawa. Binanggit din ni Ogie na merong ilang channel sa YouTube, na tila nilikha ng iisang tao lamang, ang nagpapakalat ng tsisimis na ang dahilan sa likod ng napapabalitang breakup nina Julia at Gerald ay si Kylie.

May mga video din sa YouTube na nagsasabing buntis si Kylie kay Gerald. Sa isyung ito, pinaalalahanan ni Ogie ang kanyang mga subscribers na mag-ingat sa kanilang napapanood sa social media, lalo na iyong mga YouTube videos na naka-off ang comment section.

Credit: Erwin Blanco/Facebook

Senyales daw ito na hindi mapagkakatiwalaang source at gumagawa lang ng kwento ang lumikha ng video. Binigyang-diin din ng showbiz reporter na dapat ipakita ng YouTuber ang kanyang mukha kapag gumagawa ng ganitong uri ng video para tiyakin sa kanilang audience na sila ay kapani-paniwala.

Credit: Erwin Blanco/Facebook

Nang tanungin namn ni Tita Jegs kung ano ang opinyon ni Ogie tungkol sa napapabalitang breakup nina Julia at Gerald, sinabi niya na hintayin na lang ng mga tao na magsalita ang dalawa tungkol sa isyu.

Watch Ogie Diaz full vlog here:

Pagdating naman sa mga tsismis na nag-uugnay kina Gerald at Kylie ay sinabi ni Ogie na sa tingin niya ay promo lang ito para sa kanilang bagong movie para mapag-usapan.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan