Naglabas ng pahayag ang media giant na ABS-CBN tungkol sa isyu ng partnership nito sa TV5.
Kung maaalala, ang mga ulat tungkol sa pagsasanib pwersa na mangyayari sa pagitan ng dalawang pangunahing TV network sa Pilipinas ay nagsimulang kumalat noong Hunyo. Noong panahong iyon, nang tanungin si TV5 Chairman Manny V. Pangilinan tungkol sa partnership deal, hindi siya nagbigay ng diretsong sagot dahil wala pang pinal na desisyon noon.
Nang matapos ang negosasyon sa pakikipagsosyo ay opisyal na inihayag ng dalawang kumpanya ang kanilang deal sa unang bahagi ng buwang ito.
Gayunpaman, tila hindi hahayaan ng mga mambabatas at ng National Telecommunications Commission (NTC) na pumasa ang deal nang hindi nila ito sinusuri.
Una nang pinuna ni Sagip partylist Rep. Rodante Marcoleta ang kasunduan dahil labag daw ito sa batas. Isa siya sa mga mambabatas na bumoto laban sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Sa kabilang banda, para kay Sen. Raffy Tulfo, “dream team” ang pagsasama ng dalawang network.
Noong Agosto 24 ay naglabas ng pahayag ang Kapamilya network hinggil sa isyung ito. Sinabi ng ABS-CBN kasama ang TV5 na sila ay nagkasundo na ihinto muna ang kanilang planong pagsasanib pwersa.
Ayon sa bahagi ng statement ng Kapamilya network, “To address the issues which have been raised by certain legislator and the National Telecommunications Commission on the proposed investment by ABS-CBN for a minority interest in TV5, ABS-CBN and TV5 have agreed to a pause in their closing preparations.”
“This pause will give the space for both media organizations to respond to the issues, and accommodate any relevant changes to the terms.”
Narito ang buong statement:

Sa kabilang banda, naniniwala naman ang Kapamilya at Kapatid network na ang partnership deal na ito ay may magandang epekto sa Philippine media, at sa free-to-air television, na nananatiling pinaka-abot-kaya at malawak na pinagmumulan ng entertainment at pampublikong serbisyo ng mga Pilipino.
READ ALSO: