Nakipagpulong ang kontrobersyal na writer at direktor na si Darryl Yap kay Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta para sa Maid in Malacañang sequel na Martyr or Murderer.
Naging kontrobersyal ang unang pelikula ni Direk Darryl tungkol sa mga Marcos dahil kinondena ito ng mga taong kritiko ng prominenteng political clan. Gayunpaman, sa ngayon, inaabangan na ng mga tagahanga ng pelikula ang susunod na yugto.
Sa nakaraang panayam, base sa artikulo ng aktres na si Giselle Sanchez sa Manila Bulletin, sinadya ni Direk Darryl na maging trilogy ang proyektong ito. Si Giselle ang nagbigay buhay sa karakter ni “Cory” sa MiM.
Ayon pa kay Direk Darryl, “That ‘Martyr Or Murderer,’ sino ang pumatay sa unang dilawan. And yung ‘MaM,’ ‘Mabuhay aloha Mabuhay.’ It will tackle naman the life of Marcoses away from the Philippines; in Hawaii and when they get back again in the Philippines.”
Ibinahagi ni Giselle na nagpadala si Direk Darryl ng screenshot ng kanyang mensahe kay Atty. Acosta. Tinanong nito ang PAO Chief kung pwede niya itong makilala para magtanong tungkol sa yumaong si Ninoy Aquino.
Mensahe ni Direk Darryl kay Atty. Acosta:

Sinagot ito ni Chief Acosta kasama ang petsa at oras ngunit hindi na idinetalye ni Giselle ang tungkol sa bagay na ito.
Nagbahagi si Direk Darryl ng preview kung ano ang magiging sequel ng MiM. Aniya, haharapin nito ang akusasyon laban sa mga Marcos at ito ay tungkol sa pagkamatay ng dating senador na si Ninoy Aquino. Ayon kasi sa iilan, ang yumaong Pangulong Ferdinand Marcos diumano ang nag-utos na patayin ang dating Senador.
Giit ng direktor, “I want to present why people should believe that it’s not them… I will start by asking in the film… if your father died or if your husband dies, there should be a fire in you to solve it…. why is it until now that the wife is now gone, the son is also gone, but the justice for the father is not yet given.”
Maaalalang nagbahagi si Direk Darryl ng larawan na pinagtatalunan ng mga netizens kung si Phillip Salvador ba o si Herbert Bautista ang artistang gaganap kay Ninoy sa MoM. Ibinahagi rin niya ang larawan ni Jerome Ponce na may caption na: “#MoM Flashback • Young Yellow.” Dahil dito ay naniwala ang mga netizens na si Jerome ang gaganap bilang batang Ninoy.
READ ALSO: