May mga tsismis na hinahayaan diumano ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica na ang rumored girlfriend na si AJ Raval ang magbayad sa tuwing sila’y nagde-date.
Hanggang ngayon, pinananatili nina Aljur at AJ ang kanilang katahimikan pagdating sa real score sa pagitan nila. Kasunod ng pagkalat ng kanilang sweet photos na magkasama habang naglalakad sa isang mall, lumabas ang mga haka-haka na may relasyon na sila.

Gayunpaman, sinabi lang nila na nasa “getting-to-know each other stage” pa lang sila. Lumitaw pagkatapos noon ang ilang post sa social media at mga larawan na nagpapakitang magkasama sila ngunit hindi pa rin sila nagbibigay ng direktang sagot tungkol sa status ng kanilang relasyon.
Kamakailan lang, isa na namang tsismis ang lumabas tungkol sa rumored couple. Buntis na raw si AJ sa anak nila ni Aljur. Gayunpaman, itinanggi ito ng aktres sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang mga larawan na nagpapakita ng kanyang flat ang kanyang tiyan. Nag-live din ito sa social media para pasinungalingan ang mga malisyosong tsismis.

Sa gitna ng isyung ito, ay nag-react naman ang asawa ni Aljur na si Kylie Padilla. Ayon sa kanya, kung totoo man ito ay ay walang problema sa kanya. Idiniin niya na nagkasundo na sila ni Aljur na puwede silang makipag-date pagkatapos nilang maghiwalay.
Samantala, sa isang kamakailang artikulo ng entertainment columnist na si Alex Brosas sa Bandera, binanggit niya ang isa pang tsismis tungkol kina AJ at Aljur. Lumitaw ang mga espekulasyon na ang aktres ang nagbabayad kapag sila ay nagde-date.

Ayon pa kay Brosas sa kanyang article, “How true? Na hindi naglalabas ng pera si Aljur kapag nagde-date sila ni AJ? How true? Na sa tuwing lumalabas sina Aljur at AJ ay ang huli ang laging bumubunot sa kanyang wallet?”
Tinanong din niya kung totoo bang nalaman ito ng mga magulang ni AJ at nagalit. Sabi ng columnist, medyo hindi kapani-paniwala na hahayaan ni Aljur si AJ na magbayad para sa kanilang date kasi kumukita naman ito ng sariling pera.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay tahimik pa rin sina Aljur at AJ tungkol sa isyu.