Vilma Santos binalikan ang mga bashers ni Jane De Leon

May reaksyon ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa mga pambabatikos na natatanggap ng Darna actress at Kapamilya star na si Jane de Leon.

Suportado ng dating Darna na si Ate Vi ang bagong Darna na si Jane. Sa isang nakaraang artikulo ay sinabi niya kay Jane na tingnan ang role na ibinigay sa kanya hindi lamang bilang isang titulo kundi bilang isang responsibilidad na maging huwaran ng mga tao.

Binatikos kasi ng mga netizens si Jane kaya ito ang naging reaksyon ni Ate Vi.

Credit: Jane de Leon/Instagram

Bukod kay Jane, ay bida rin sa nasabing series si Joshua Garcia bilang love interest ni Darna, Janella Salvador bilang Valentina at Zaijan Jaranilla bilang si Ding.

Napanood na rin ang unang paglipad ni Jane bilang Darna at humanga dito ang mga manonood. Nakumbinsi rin ang karamihan na deserving nga ang aktres sa role.

Ngunit sa gitna ng suporta at pagmamahal na natatanggap ni Jane, nakatanggap din siya ng mga pambabatikos. Sabi ng ilang netizens, hindi raw siya karapat-dapat sa role dahil newbie pa siya sa showbiz.

At ngayon, sa lahat ng bashing na natanggap niya, nag-react si Ate Vi at binalikan ang mga kritiko. Umapela siya sa mga bashers na bigyan ang mga baguhan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang talento at huwag hangarin na sila ay mabigo.

Credit: Jane de Leon/Instagram

Naniniwala rin si Ate Vi na kung dumating sa isang artista ang isang oportunidad, isang bagay lamang ang kanyang dapat gawin at iyan ay ang gawin ang kanyang makakaya upang patunayan na mali ang kanyang mga kritiko.

Ayon pa kay Ate Vi, “Basta alam mo, as long as na ginawa mo ang best mo. Huwag ka dun mag-focus sa negative, mag-focus ka sa sarili mo kung ano pa ang kaya mong gawin.”

Idinagdag din niya na ang mga negatibong komentong ito ay maaari ring maging motibasyon ni Jane upang gawin ang kanyang makakaya para magtagumpay.

Credit: Jane de Leon/Instagram

Ayon pa sa ulat ng PEP ay umapela si Ate Vi sa mga bashers.

Ayon sa kanya, “Huwag naman sa umpisa pa lang sisirain na natin yung mood ng artista, huwag naman. Bigyan naman natin ng chance yung iba. The way I see si Jane, mukhang desidido din naman siya, so let’s give her a chance. Kaya niya yun.”

Samantala, apat na pelikula ang nagawa ni At Vi bilang Darna. Ito ay ang Lipad, Darna, Lipad (1973), Darna and the Giants (1973), Darna vs the Planet Women (1975), at Darna at Ding (1980).

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *