Sinabi ni ng co-host ni Cristy Fermin sa Youtube show nito na Showbiz Now Na na si Morly Alinio na hindi na babalik sa show business ang aktres na si Ellen Adarna.
Ang artista at modelong si Ellen Adarna ay isinilang sa Cebu sa isang upper-class na pamilya ng Chinese-Spanish-Filipino ancestry. Pagmamay-ari ng kanilang pamilya ang sikat na Temple of Leah sa Cebu – isang sikat na tourist attraction.
Ang kanilang pamilya ay nagmamay-ari din ng isang chain ng mga motel at mga real-estate. Nagsimula si Ellen sa kanyang showbiz career sa Kapuso network.

Si Ellen ay unang lumabas sa gag show na Bubble Gang at kalaunan ay naging mainstay hanggang 2013. Pagkatapos ay lumipat siya sa ABS-CBN at sabi nga nila “the rest is history.” Naging karelasyon nito ang magaling na aktor na si John Lloyd Cruz at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki – si Elias Modesto.
Ayon pa kay Morly, nagdesisyon diumano ang aktres na titigil na sa pag-aartista at tuluyan nang iwan ang mundo ng showbiz.

Dagdag pa ni Morly, na malapit ding kaibigan ng asawa ni Ellen na si Derek Ramsay, magiging priority na raw ni Ellen ang kanyang pamilya. Ibinunyag din niya na maraming projects ang ino-offer ngayon kay Ellen, pero tinanggihan lahat ito ng aktres.
Ayon kay Morly, “Sabi niya, sa ngayon talaga raw may mga proyektong inaalok pero sabi niya, ‘Enough na! Ayoko dahil nag-e-enjoy ako sa kung anong meron ako ngayon.”
Dagdag naman ni Cristy, “Tama yan, tutal naman galing siya sa buena familia, kumita rin siya sa pag-aartista, ang asawa niya ay sandamakmak na yaman din ang meron, ano pa ang hahanapin nila?”

Ibinahagi rin ni Morly na hindi na umiinom si Ellen kumpara noong siya ay single pa. Bukod sa pagtanggal ng kanyang breast implants, plano rin niyang tanggalin ang intrauterine device o IUD dahil plano niyang magkaroon ng anak kay Derek.
“Dapat pala last month ay tinanggal na yung IUD niya kaso nagkaproblema kasi may pinuntahan sila ni Derek kaya hindi natuloy, pero for sure, itong month na ito ipatatanggal na,” dagdag pa ni Morly.
READ ALSO: