Regine Velasquez at Ogie Alcasid, may problema nga ba sa kanilang relasyon?

Nagbigay ng komento ang celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa gitna ng mga tsismis tungkol sa kanilang relasyon.

Parehong singer at songwriter ang dalawa at ito marahil ang dahilan kung bakit sila nahulog sa isa’t isa.

Noong nakaraang Hunyo 15, base sa naunang artikulo, ay lumabas sa social media ang mga tsismis tungkol sa pinagdadaanan nilang problema sa kanilang pagsasama. Kaagad namang pinabulaanan ni Ogie ang mga tsismis at sinabing nag-uumapaw ang pag-ibig nila sa isa’t isa at walang araw na nabawasan ang pagmamahalan na ito.

Credit: Regine Alcasid/Instagram

Ngunit nanatili pa rin ang mga alingawngaw sa kabila ng kanyang paglilinaw. May mga taong nagdududa pa rin dito. Ayon sa ilang netizens, kapag sinabi ng mga artista na maayos ang kanilang relasyon ay kalimitan na kabaligtaran ito sa nangyayari sa totoong buhay.

At kamakailan lang ay muli nilang nilinaw ang tsismis na ito. Ipinahayag ng mag-asawa na alam nila kung paano gumagalaw ang mga basher para sirain ang relasyon ng isang tao, kaya naman hindi na nila ito masyadong pinapansin.

Credit: Regine Alcasid/Instagram

Para naman kay Regine, puwede niyang pagtawanan na lang ang mga tsismis na iyon dahil sa halos 12 taon nilang pagsasama at sigurado siyang mas mahal niya ang asawa kaysa noon. Mas lalo daw tumindi ang pagmamahal niya kay Ogie noong panahon ng pandemya dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na maglaan ng mas maraming oras para sa isa’t isa.

Ayon kay Songbird, “Actually enjoy na enjoy akong kasama ang asawa ko na noong umalis siya pumunta siyang States ay hindi ko kaya, iyak ako nang iyak talaga. Kasi parang ang tagal naming magkasama, kami-kami lang, tapos biglang inalisan ako pumunta ng States.”

Idinagdag niya na mananatili silang maging matalik na magkaibigan at palagi niyang patutunayan kung gaano kasarap magpakasal sa tamang tao.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan