Pia Wurtzbach, ibinahagi ang mga never-before-seen photos ni Jeremy Jauncey

Ibinahagi ng beauty queen na si Pia Wurtzbach ang mga larawan ng kanyang future husband na si Jeremy Jauncey.

Engaged na ang 2015 Miss Universe kay Jeremy at halos magkasama na rin sila sa ilang mga byahe sa ibang bansa dahil sa hilig nila mag-travel.

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Sa isang nakaraang artikulo ay nagbahagi si Pia ng isang birthday post para kay Jeremy na nagsasabing ligtas siya sa kanilang relasyon. Hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng pag-ibig na totoo at wagas tulad ng ipinaramdam nito sa kanya. Idinagdag pa ni Pia na kahit kailan ay hindi niya pinagdudahan ang katapatan ni Jeremy sa kanya.

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

At kamakailan lang, sa pamamagitan ng Instagram stories ay may mga rebelasyon si Pia tungkol sa kanyang fianc√©. Ibinahagi ng beauty queen ang ilan sa mga larawan ni Jeremy noong siya ay sanggol pa lamang, hanggang sa ito’y naging teenager. Kasama rin dito ang mga larawan niya bago nangyari ang kanyang body-building phase.

Narito ang ilan sa mga larawan ni Jeremy:

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram
Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Samantala, inanunsyo nina Pia at Jeremy ang kanilang engagement noong Mayo. Pinili nila na sa Amanpulo ipagdiwang ang milestone na ito sa kanilang relasyon.

Kung maaalala ay kinumpirma nina Pia at Jeremy noong Hunyo 2020 na sila ay magkarelasyon na, at noong Disyembre 2021 ay ipinagdiwang naman nila ang kanilang ikalawang anibersaryo.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan