Alexa Miro nagsalita na tungkol sa kanyang “friendship” kay Sandro Marcos

Nagkwento ang host ng Tropang LOL na si Alexa Miro tungkol sa pagkakaibigan nila ni Ilocos Norte First District Representative Sandro Marcos.

Pagkatapos ng 2022 elections ay napabalitang may relasyon sina Alexa at Sandro. Ito ay dahil sa isang viral video kung saan tinanong ng aktres at politician na si Lani Mercado ang anak ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. tungkol sa kanyang girlfriend na taga-Tacloban.

Kasunod nito, lumabas online ang mga larawan nina Alexa at Sandro na magkasama. Gayunpaman, sa nakaraang panayam, sinabi ng kongresista na siya ay single. Maya-maya pa ay binasag ni Alexa ang kanyang katahimikan at sinabing magkaibigan lang sila ni Sandro at talagang close silang dalawa.

Credit: Alexa Miro/Instagram

Sa isang panayam kamakailan ay muling sinabi ng noontime show host na magkaibigan lang sila ni Sandro. Ayon sa ulat ng The Philippine Star ay sinabi ni Alexa na halos apat o limang taon na silang magkaibigan ng batang Marcos.

Ayon sa kanya, “Sa ngayon, I’m really in a good position with Sandro and we support each other, we’re friends. We want naman our core system to stay with us.”

Nilinaw din niya na ang mga larawang nag-leak sa social media ay kuha noong sila ay nagbakasyon sa ibang bansa.

Credit: Sandro Marcos.7/Instagram

Sinabi ni Alexa na pumunta sila ni Sandro sa Europe para sa kasal ng isang kaibigan. Dumalo din siya sa inagurasyon ni PBBM noong Hunyo.

Ilang buwan matapos lumabas ang isyu at sa kabila ng bashing na natanggap niya ay hindi na diumano nagpapaapekto si Alexa sa mga bashers.

“Hindi naman po nakaka-apekto sa friendship namin ang bashing. Isa siya sa nagtuturo sa akin na hindi importante ang sinasabi ng ibang tao as long as you know who you are,” dagdag pa niya.

Sa panayam, ibinahagi rin ni Alexa ang kanyang birthday message sa ina ni Sandro na si First Lady Liza Marcos.

Ayon sa tropang LOL host, “Tita Liza, una sa lahat, happy, happy birthday to you. I was there po during her celebration, my wish lang naman is for her to keep that strength, that she is a ferocious wife. I look up to her.”

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.