Sunshine Cruz, sinisi ng basher kung bakit hiniwalayan ni Cesar Montano

Binatikos ng aktres na si Sunshine Cruz ang isang netizen na sinisi siya sa paghihiwalay nila ng dating asawa at aktor na si Cesar Montano.

Nagpakasal sina Sunshine at Cesar noong 2000 at mayroon silang tatlong anak na babae, sina Angelina Isabele, Samantha Angelene, at Angel Franchesca. Pagkatapos ng 13 taon na pagsasama ay saka sila nagdesisyong maghiwalay.

Alam ng marami na naging kontrobersyal ang kanilang breakup. Nitong mga nakaraang taon, nagbahagi si Sunshine ng mga nakakagulat na detalye tungkol sa kanyang kasal. Noong 2019, humingi ng tawad si Cesar sa kanyang dating asawa. Ngunit kamakailan lamang tila nagkaayos ang dalawa dahil nakitang magkasama sila para ipagdiwang ang ika-18 kaarawan ng anak nilang si Sam.

Credit: Sunshine Cruz/Instagram

Sa isang social media post, ibinahagi ni Sunshine ang isang larawan kasama si Cesar at ang kanilang mga anak. Ngunit batay sa artikulo sa Bandera ay nakatanggap ito ng negatibong komento. Inakusahan ng isang basher ang aktres na siyang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang kasal nila ni Cesar.

Ayon sa basher, “Bat Kasi nag bold movies Ka sunshine Cruz Kaya na turn off sau si montano ..naghanap tuloy Ng iba.”

Credit: Sunshine Cruz/Instagram

Simple pero solid naman ang naging resbak ni Sunshine sa komentong ito ng isang basher.

“Wala kang alam sa buhay namin. Hindi ka namin kilala kuya. Move on,” sagot ng aktres.

Sa kabilang banda ay nakatanggap naman ng suporta si Sunshine mula sa ilang mga netizens. May mga nagsabing balewalain na lang niya ang mga negatibong komento habang may mga nagpahayag ng suporta sa kanya.

Credit: Diego Loyzaga/Instagram

Samantala, ibinahagi noon ni Sunshine ang closeness ng kanyang mga anak sa kanilang Kuya na si Diego Loyzaga, ang anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga. Minsan ay ibinabahagi ni Diego ang kanyang bonding moments sa kanyang mga nakababatang kapatid na babae.

Ibinunyag ni Sunshine na inii-spoil ni Diego ang kanyang mga anak na babae bagama’t kung minsan ay nag-aalala ito sa kanya. Sinasabihan niya ang kanyang mga anak na sila naman ang manglibre sa Kuya Diego nila dahil kumikita na rin sila. Sinabi rin ng batikang aktres na the best Kuya si Diego para sa kanyang mga anak na babae.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan