Hipon Girl, opisyal na kandidata ng Pilipinas sa Miss Planet International 2022 Pageant

Si Herlene Budol o mas kilala bilang si “Hipon Girl” ay nakatakdang kumatawan sa Pilipinas sa Miss Planet International 2022 pageant.

Si Herlene rin ang kinatawan ng kanyang bayan ng Angono, Rizal sa Bb. Pilipinas 2022 pageant. Namangha ang mga netizens sa transformation niya sa pageant.

Tinapos ng komedyante at vlogger ang kanyang Bb. Pilipinas journey bilang 1st runner-up ngunit hindi siya nagpahuli sa mga major title holders dahil hinakot niya naman ang halos karamihan sa special awards. Nakakuha siya ng 7 special awards sa pageant night.

Pagkatapos ng Bb. Pilipinas 2022 ay nagpapasalamat si Herlene sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino. Nagpasalamat siya sa lahat ng ginawa nito sa kanya para tulungan siya sa pageant.

Credit: Herlene Budol/Facebook

Sa isang nakaraang artikulo ay sinabi nina Herlene at Wilbert na ipagpapatuloy niya ang pagsali sa mga beauty pageant. Kinumpirma nila ito sa victory homecoming ni Hipon Girl sa Angono, Rizal noong Agosto 5, 2022. Nagpaalam na ang talent manager sa BPCI dahil hahanap siya ng international pageant para sa kanyang alaga.

Kamakailan, inanunsyo nina Herlene at Wilbert sa social media ang ilang magagandang balita tungkol sa pageant journey ni Hipon. Sa isang Facebook post, ibinunyag ng talent manager pumayag ang BPCI na ilaban ang aktres sa isang bagong tatag na international pageant, ang Miss Planet International.

Ayon kay Wilbert, “I am now Official Miss Planet Philippines National Director for this Miss Planet International 2022, and I am appointing, no other than Binibining Pilipinas 1st Runner Up Herlene Hipon Budol to represent the Philippines in Kampala, Uganda on November 6 to November 20, 2022.”

Sa kanyang FB page, ibinahagi rin ni Herlene ang post ni Wilbert at inamin na naging emosyonal siya dahil sa sorpresang ito. Muli ay nagpasalamat si Hipon Girl sa lahat ng ginagawa ni Wilbert para sa kanyang career.

Narito ang statement ni Herlene:

Credit: Herlene Budol/Facebook

Congratulations Herlene, we are so proud of you!

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan