Claudia Barretto nagtapos sa Ateneo, celebrities nag-react

Nagtapos sa Ateneo de Manila University ang sikat na personalidad na si Claudia Barretto at hindi napigilan ng ilang mga celebrities ang humanga sa kanya.

Ang 24-anyos na singer-songwriter na si Claudia ay nagtapos ng bachelor’s degree in Psychology mula sa Ateneo de Manila University.

Sa sunud-sunod na mga larawan ay ibinahagi ni Claudia ang bagong milestone na ito sa kanyang buhay. Isa rin sa taong hindi niya nakalimutang pasalamatan ay ang kanyang ina na si Marjorie Barretto.

Credit: Claudia Barretto/Instagram

Ibinahagi ni Claudia ang larawan niya na suot ang kanyang graduation gown. Ayon sa kanyang caption:“Can’t thank you enough @marjbarretto 🎓”

Sa Instagram ay ipinahayag din ni Marjorie kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak at hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na nagtapos ito, at kung ano ang ipinaramdam ng kanyang anak sa kanya.

Ayon pa kay Marjorie, “I am so proud of you. You are so ready for this new chapter in your life. I will always be behind and beside you.”

Bukod sa kanyang ina at mga kapatid, binati rin si Claudia ng kanyang mga celebrity friends.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Credit: Claudia Barretto/Instagram

Kung maaalala, noong Mayo ay niregaluhan ni Claudia ang kanyang sarili ng isang trip sa Europe pagkatapos ng kanyang undergraduate degree. Nag-ipon siya para sa paglalakbay na ito patungo sa kanyang pinapangarap na destinasyon at ito ay isang “much deserved rest” pagkatapos ng maraming taong binuno niya para lamang matapos ang kanyang kurso.

Credit: Claudia Barretto/Instagram

Si Claudia ay hindi lamang isang singer ngunit siya rin ay isang mental health advocate at patuloy na nakikipagtulungan sa iba’t ibang mga mental health organizations upang makatulong na itaas ang kamalayan tungkol sa bagay na ito.

Si Claudia ang pangalawang anak ni Marjorie sa komedyanteng si Dennis Padilla at kapatid niya ang aktres na si Julia Barretto.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.